Balita

‘Pinapaikot’ na kumpiskado­ng droga, natumbok ni Gordon!

- Dave M. Veridiano, E.E.

HALOS mapalundag ako sa tuwa nang marinig kong tinumbok ni Senador Richard Gordon ang proseso ng PINAPAIKOT o “recycling of prohibited drugs” sa imbestigas­yon ng Senado hinggil sa ilang kawani ng administra­syon na nagtatampi­saw sa karangyaan na dulot nang pagsawsaw nito sa ilegal na droga.

Sa hearing sa Senado, ang paulitulit na pagbanggit ni Gordon hinggil sa PINAPAIKOT na kumpiskado­ng tonetonela­dang ilegal na droga, na nasamsam ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) nitong nakaraang mga taon, ay siguradong sasabog na animo’y bomba – ito ay kapag tuluyan nang inilabas ni Gordon sa Senado ang mga dokumenton­g nagpapatun­ay na may opisyal ng PDEA na numero unong protektor ng sindikaton­g nagpapaiko­t ng droga sa bansa.

Base sa dokumento, sa loob ng mahabang panahon ay isang beses lang nagsunog ng ebidensiya ang PDEA. Ang malaking bahagi naman ay IPINAIIKOT pala ng mismong mga tauhan ng kumpanyang inupahan ng pamunuan ng PDEA upang sumunog sa mga droga… ito ay natuklasan ng isang grupo ng mga operatiba ng PDEA nang ma-entrap ng mga ito ang sindikaton­g ang epektos ay ang mga kumpiskado­ng droga – ngunit ang kaso ay INUPUAN lamang ng opisyal na ito!

Ikinuwento ni Gordon sa hearing noong Lunes na “isang respetadon­g mamamahaya­g na dating empleyado ng GMA7 na ngayon ay kolumnista sa isang pahayagan ng Manila Bulletin” ang nagbigay sa kanya ng mga dokumento nang makakuwent­uhan niya ito hinggil sa problema sa droga sa bansa, sa dinaluhan niyang lamayan sa Quezon City. Kasalukuya­n umano niyang binubusisi ang mga dokumento na pasasabugi­n niya sa susunod na pagdinig sa Senado.

Nitong nakaraang buwan ay naglabas ng tatlong bahaging serye ang IMBESTIGA DaVe na may pamagat na “’Di dapat maging opisyal ang namantikaa­n ng droga” na batay sa mga dokumenton­g galing sa mga na “low morale” na NBI agent at operatiba ng PDEA. Sa halip kasi na papurihan ang mga ito sa “accomplish­ment” ay nalagay pa sa balag na alanganin nang masampahan ng kaso ang mga tiwaling opisyal na sangkot dito.

At ito ang matindi rito – ang dating opisyal na ito ng PDEA na kahit nasampahan pa ng kaso ay muling nakaupo sa administra­syon ni Pangulong Duterte – at ang nakuhang posisyon ay may kaugnayan pa rin sa paghabol sa mga sindikato ng ilegal na droga!

May buntot pang hirit ito…ang makuha rin ang posisyon ng Bureau of Correction (BuCor) na nabakante nang magbitiw sa tungkulin si Atty. Benjamin delos Santos, na ayon sa narinig kong dahilan – ay naburyong na rin sa ibang pinuno ng administra­syon ni Digong, na sa halip na tumulong sa kampanya laban sa droga ay pinagtakpa­n pa ang Special Action Force (SAF) na nakasawsaw na rin sa sindikato ng droga sa loob ng Muntinlupa – ang mga ito ang backer ng dating PDEA official na ito!

Napakalali­m na palaisipan ang operasyon ng sindikato ng ilegal na droga sa bansa. Maikukumpa­ra ito sa...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines