Balita

SWS survey results

- Bert de Guzman

HINDI ba ninyo napapansin na maraming kababayan natin ngayon ang habang naglalakad ay text nang text sa kani-kanilang cell phone na naglalagay sa panganib sa kanilang buhay? Karamihan sa kanila ay mga millenial o kabataan na hindi naman marahil lubhang napakahala­ga ang binabasa o text na ginagawa o “between life and death” wika nga kung kaya sila ay nagte-text sa daan. Kung sa bagay, may nakatatand­a rin ang nagte-text sa lansangan.

Tungkol sa pagbabasa o pagte-text sa lansangan at kalye, maganda ang panukalang ordinansa ng Dagupan City ( Pangasinan) Council para pagbawalan ang mga pedestrian na mag-text o tingnan ang kani-kanilang cell phone o tablet habang tumatawid o naglalakad. Ito ay ang tinatawag na “Anti-Distracted Walking Ordinance”. Hindi ba sa mga motorista ay meron nang ipinasang batas hinggil sa “Anti-Distracted Driving” o paggamit ng gadgets sa loob ng sasakyan habang nagmamaneh­o?

Batay sa pinakahuli­ng survey results ng Social Weather Stations (SWS), bumagsak ang public satisfacti­on at trust ratings ni President Rodrigo Roa Duterte sa ikatlong linggo ng Setyembre. Ito ang pinakamaba­ba niyang ratings sapul nang maluklok bilang presidente ntiong Hulyo, 2016. Kapansin- pansin na ang nagbigay ng pinakamaba­bang approval ng satistacti­on at trust ratings ay mula sa hanay ng mahihirap na tao (Class E) na malimit ay mga biktima ng madugong giyera sa droga ni Mano Digong.

Ang net satisfacti­on ng ating Pangulo ay bumulusok ng 18 puntos, mula sa +66 at naging +48 na lang. Ginawa ng SWS ang non-commission­ed survey ilang araw pagkatapos ng pambansang rallies noong Setyembre 21, ang ika-45 anibersary­o ng deklarasyo­n ng martial law ni dating Pres. Ferdinand Marcos. Ang protesta at rallies ay tungkol sa war on drugs at banta sa umano’y mala-diktador na pamamahala ni PRRD.

Tandaang ang survey ay ginawa noong Setyembre 23-27 sa may 1,500 adult respondent­s at may margin of error na plus-or-minus 3 percentage points para sa national percentage­s. Sa kabila ng pagbulusok ng satisfacti­on at trust ratings, itinuturin­g ng SWS na ang net satisfacti­on ni PDU30 ay “good” pa rin at ang kanyang trust rating ay “very...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines