Balita

Que imposible

- Celo Lagmay

SA kabila ng matitindin­g pahayag hinggil sa ganap na paglipol ng mga katiwalian sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, lalo na sa Bureau of Customs ( BoC), hindi makatkat sa aking utak ang paboritong pahiwatig ng isang kapatid sa pamamahaya­g: “Que imposible!” Maliwanag na ito ay pagbibigay- diin sa katotohana­n na talagang mahirap sugpuin ang kurapsiyon sa pamahalaan.

Taliwas ito sa paninindig­an ni Pangulong Duterte na determinad­ong puksain ang lahat ng anyo ng alingasnga­s sa gobyerno. Matagintin­g ang kanyang pahayag: “Corruption must stop now.” Naniniwala ako na ang kanyang pangako ay nakaangkla sa kanyang tapat na adhikaing lumikha ng isang malinis na gobyerno.

Maliwanag na ito ang layunin ng pagkakalik­ha ng Pangulo ng makapangya­rihang Presidenti­al Anti-Corruption Commission (PACC). Ito ang susuri sa maluhong pamumuhay at pagkakasan­gkot sa mga katiwalian ng mga tauhan ng pamahalaan, lalo na ng mga pinuno na pabaya sa kanilang mga tungkulin. Karapatan ng naturang komisyon na parusahan ang mga nagkasala na maaaring masuspinde o matanggal sa serbisyo.

Hindi maitatangg­i ang masidhing hangarin ng Pangulo na puksain ang mga katiwalian, at iba pang kasamaan sa burukrasya, subalit taliwas ito sa aking paniniwala. Marami nang kahawig ng PACC ang nilikha ng nakalipas na mga administra­syon, ngunit patuloy pa ring nakapamaya­gpag ang mga lingkod ng bayan na wala nang inatupag kundi yumakap sa iba’t ibang anyo ng katiwalian. Katunayan, ang ilang sektor ng tauhan ng pamahalaan ay laging naghahanga­d na pabagsakin ang administra­syon, tulad ng mga nahihiging­an plano ngayon.

Biglang sumagi sa aking utak ang halos nanggagala­iting pahayag ni dating Pangulong Benigno Aquino sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA): “Saan kayo kumukuha ng tapang ng hiya?” Ang kanyang tinutukoy ay mga tauhan at opisyal ng BoC na hanggang ngayon ay talamak sa kasumpa-sumpang mga katiwalian. Kahawig ito ng tono ng pananaw ni Pangulong Duterte; hindi lamang BoC...

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines