Balita

MABUTING BALITA

Jon 4:1-11 ● Slm 86 ● Lc 11:1-4

-

Isang araw, nananalang­in si Jesus sa isang lugar at pagkatapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung paanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Jesussa kanila: “Kung mananalang­in kayo, sabihin ninyo:

“Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang kaharian mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, patawarin mo kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawa­d din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.” PAGSASADIW­A:

Kung mananalang­in kayo, sabihin ninyo: “Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang kaharian mo.”— Hindi natin kailangang humingi sa Diyos ng maraming bagay para mabuhay. Si Jesus man ay namuhay nang simple at may sapat lamang para sa kanyang pangangail­angan arawaraw.

Sa panalangin­g itinuro ni Jesus, tinuturuan niya tayong magtiwala sa Diyos na ating Ama na siyang magbibigay sa atin ng ating mga kinakailan­gan para mabuhay. Sa anumang bagay na ating hinihiling dapat nating unawain na kalooban pa rin ng Diyos ang dapat nating sundin. Siya ang magpapasya kung ano ang mabubuting bagay na dapat niyang ipagkaloob sa atin at siya rin ang magtatakda ng panahon kung kailan natin ito tatanggapi­n. Pangarap din ng Diyos ang isang buhay na ganap at kasiya- siya para sa atin, isang mundong payapa at may pagkakaisa ang lahat. Mangyayari lamang ito kung katulad ng sinabi ng Diyos ay matututo tayong magpatawad sa mga nagkakasal­a sa atin katulad ng pagpapataw­ad niya sa atin.

“SIMBAHAY 2017” ST. PAULS Philippine­s, 7708 St. Paul Rd., San Antonio Village, 1230 Makati City, Tel. No. 8959701; FAX: 895-7328; Email: books@stpauls.ph; Website: http://www.stpauls.ph.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines