Balita

Enrique, huli na ang realizatio­n sa mga ginagawa noon ng ama

- –Reggee Bonoan

HINDI iyakin si Enrique Gil, pero inamin niya sa presscon ng Seven Sundays nitong Linggo sa Restaurant 9501na habang sinu- shoot nila ang pelikula kasama sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Dingdong

Dantes at Ronaldo Valdez sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, naramdaman na lang ng aktor na umiiyak siya sa eksena nang nalaman nilang gumaganap na magkakapat­id na mamamatay na ang tatay nila (Ronaldo) dahil sa cancer.

“Hindi ako iyakin, even my dad passed away, I don’t know. Kahit sa workshop, inaano ako ng, ‘is there something wrong with you?’ Kasi sinasabi talaga na hindi ako nakakaiyak talaga.

“Basta, may direktor na nagsabing, ‘there’s something wrong with you,’ hindi ko alam kung bakit. But for some reason during the eulogy, umiyak ako. Kasi napa-close kami kay Tito Ron (Ronaldo), ‘tapos ‘yung eulogy sa lamay, sabi ko, I can’t do it, and then naalala ko ang dad ko. After how many years, umiyak ulit ako. So, it’s a weird feeling, but that’s just scene umiyak ako talaga.

“Basta tumama na lang sa akin, I don’t know, sa libing nga (ng kanyang ama), hindi ako umiyak, eh, bakit dito pa after how many years, but it’s really something good came.”

Namatay ang daddy ni Enrique sa sakit na cancer noong 2008.

Ang mga alaala ni Quen sa tatay niya ay kapag inihahatid-sundo siya sa eskuwelaha­n na naasiwa siya dahil ang laki-laki na niya pero inihahatid- sundo pa siya ng tatay niya.

Huli na nang maisip niya na ginagawa iyon ng daddy niya para maiparamda­m ang pagmamahal nito sa kanya, dahil nga maaaring hindi na magtagal ang pagsasama nila.

Kaya kapag nagkapamil­ya na raw ang aktor, ipararamda­m din niya iyon sa magiging mga anak niya.

“’Yun ang gusto kong maramdaman ng mga anak ko ‘pag nagkapamil­ya ako. ‘Yung maging proud ako sa lahat ng ginagawa sa akin ng daddy ko. Ihatid man ako sa school, kahit binata na ako, or ipakita sa maraming tao ‘yung affection, proud ako.”

Palagay namin napakahala­ga ng mga mensaheng ihahatid ng pelikula sa kabataan. Sa mga buhay pa ang magulang, ipakita ninyo ang inyong pagmamahal at appreciati­on sa kanilang pagsisikap dahil hindi ninyo alam kung hanggang kailan na lang sila sa mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines