Balita

Trailer ng Barbie-Ken movie, marami ang nagagandah­an

- Ni NITZ MIRALLES

NGAYONG araw, alas-12 ng tanghali, ang official poster launch ng Regal Entertainm­ent movie nina Barbie Forteza at Ken Chan na This

Time I’ll Be Sweeter. Showing ang love story movie sa November 8, sa direction ni Joel Lamangan.

Nauna nang ini- launch ng Regal Entertainm­ent ang trailer ng pelikula na positive ang feedback. Maganda ang cinematogr­aphy at maganda ang feel ng movie at pinuri si Direk Joel at ang kanyang director of photograph­y dahil bagay ang kulay ng pelikula sa mood ng This Time I’ll Be Sweeter.

Nakita namin si Barbie sa isang party at hiningi namin ang reaction niya sa positive feedback sa trailer ng movie nila ni Ken.

“Salamat at nagustuhan nila ang trailer. Nagulat din ako, hindi ko expected na ganu’n kaganda lalabas dahil sa shooting, iba ang dating sa monitor, sana magustuhan ng moviegoers at suportahan,” sagot ng young actress.

Nagbiro si Barbie na hindi niya maipapanga­ko na kasing ganda ng version ni Christian Bautista at version ni Ken ang duet version nila ng kalove team ng theme song ng movie with the same time. Nag-recording na sila ni Ken ng duet nila at okay naman daw ang dating.

Dream come true sa kanila na maidirek ni Joel na nasa bucket list ng mga director na gustong makatrabah­o ni Ken.

“Isa si Direk Joel sa pinangarap kong makatrabah­o, natupad na, kaya masaya ako. Gusto ko ring makatrabah­o sina directors

Erik Matti, Joey Reyes, Chito Roño, Bb. Joyce Bernal, Tonette Jadaone, LA Madridejos, Jun Lana at marami pang iba. Sana mabigyan ako ng chance to work with them,” ayon naman kay Ken. Dahil nalalapit na ang showing ng This Time I’ll Be Sweeter, mababawasa­n ang sightings kina Barbie at boyfriend niyang si Jak Roberto. Kahit tanggap ng fans na sina Barbie at Jak ang real love team at reel lang sina Barbie at Ken, maganda kung hindi muna sila makikita ng madalas habang tumatakbo ang promo hanggang sa showing.

 ??  ?? Barbie at Ken
Barbie at Ken

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines