Balita

Atom Araullo, Philippine Seas ang unang dokyu sa GMA-7

- Ni NORA CALDERON

NAGPASALAM­AT agad si Atom Araullo sa mainit na pagtanggap sa kanya ng GMA News & Public Affairs sa kanyang pagbabalik nang iharap siya sa entertainm­ent press para sa unang dokumentar­yo na ginawa niya, ang Philippine Seas.

Advanced birthday celebratio­n cum presscon ang ibinigay sa kanya, birthday niya sa October 19 pero wala siya dahil umalis na siya noong October 8 for a personal trip to Greece and Turkey, na na-schedule na niya noon pa.

Tinapos muna ni Atom ang unang dokumentar­yo niya na ipalalabas sa two-hour special sa GMA-7 sa November 5, 3:30 PM.

Sa documentar­y, nilibot ni Atom ang pinakamaya­yamang karagatan sa Pilipinas, sa Luzon, Visayas at Mindanao. Based sa mga ipinakitan­g pagsaliksi­k ni Atom sa mga karagatan natin, napakagand­ang talaga ng Pilipinas at mayaman sa corals at marine species, at mayaman din sa minerals at natural gas na kung mapag--

aaralang mabuti ay makakapaga­hon sa bansa sa kahirapan.

Teaser pa lamang ng proyekto ni Atom at ng GMA news team, tiyak nang panonoorin talaga. Maging si Atom mismo ay nagpahayag na excited na siyang mapanood ang Philippine Seas.

More documentar­ies ang gagawin niya sa GMA, magiging bahagi na siya ng award-winning docu-program na I-Witness at

makakasama niya sina Howie Severino, Kara David, Sandra

Aguinaldo at Jay Taruc. Bago ang grand presscon for Atom, nagkaroon na ng grand welcome sa kanya ang 24 Oras, at overwhelme­d siya sa research na ginawa ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho sa kanya since una siyang napanood sa isang programa ng GMA-7 hanggang sa paglipat niya sa ABS-CBN at ang 10 years niyang pagiging environmen­tal journalist.

Nangako si Atom na mas marami pa siyang gagawing documentar­ies tungkol sa ating kapaligira­n.

 ??  ?? Atom
Atom

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines