Balita

‘Home Sweetie Home,‛ sisibakin na

- Ni ADOR SALUTA

KINUMPIRMA sa amin ng isang Kapamilya insider (staff ng isang show sa ABS-CBN) na apat na linggo na lang tatakbo ang sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibid­ahan nina

John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga. Kuwento ng suorce sa amin, hindi na patatagali­n pa ang sitcom dahil sa kanegahang inaabot ng lead star na si John Lloyd.

“Negang- nega si John Lloyd ngayon, pati ang show nadadamay,” sabi ng spy namin.

Hindi naman daw puwedeng palitan ng ibang leading man si John Lloyd dahil bagay sila ni Toni at sa kanila umiikot ang kuwento ng HSH.

Sad to say, damay ang ilang dosenang artistang kasama sa cast and crew ng HSH dahil ibig sabihin, bawas sa kanilang pangkabuha­yan ang mawawala sa pagsasara ng programang halos dalawang taon din nilang pinagsilbi­han.

“Sayang naman ‘yong mga crew, mawawalan sila ng trabaho, eh, magpaPasko pa naman,” aniya.

Bukod kina Lloydie at Toni, nasa cast sina Miles Ocampo, Sandy Andolong, Ogie Diaz, Funny One comedians na sina Jobert, Jason

Gonzaga, at iba pa. Naudlot din ang pag-arangkada ng career ng It’s Showtime’s “Miss Q and A” semi-finalist na si Juliana

Pariscova dahil sa pagsasara ng sitcom. Sa HSH siya nagsimula bilang artista at kuwelang- kuwela siya sa pagpapataw­a.

Damay din o naunsyamin­g tuluyan ang pagpasok ng ‘retoke king’ na si

Xander Ford, na kinuhang guest ng programa after nitong magparetok­e ng mukha.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines