Balita

Angelina Jolie, tumulong sa planong pagdakip sa warlord na si Joseph Kony

- Hello Giggles

HINDI nakagugula­t kung lalabas ang balita na tunay ngang spy si Angelina Jolie na nagpapangg­ap lamang na Hollywood actress. Sa katunayan, ayon sa The Sunday

Times ng UK, nag- alok ng tulong si Jolie sa paghuli sa infamous Ugandan warlord na si Joseph Kony sa isang bitag. Noong 2005, kinasuhan ng Internatio­nal Criminal Court si Kony dahil sa war crimes sa Internatio­nal Criminal Court hinggil sa pagdukot niya ng mga bata upang maging sundalo at sex slaves.

Sa mga kumalat na ICC documents, tila nakikisala­muha si Jolie kay Luis Moreno Ocampo, ang dating punong tagausig ng ICC. Umisip si Moreno Ocampo ng plano sa tulong ni Jolie upang mahuli ang nagtatagon­g si Kony.

Sa kasagsagan ng paghahanap kay Kony, isiniwalat ni Angelina ang mga pagkilos ni Kony. Bilang United Nations Special Envoy, ayon sa UsMagazine.com, sinabi ni Jolie sa Nightline noong 2010 na nais niyang masukol si Kony kung makakasama niya ito sa isang kwarto.

Sa plano ni Moreno Ocampo, papupuntah­in niya si Jolie at ang asawa nitong si Brad Pitt sa Central African Republic malapit sa kuta ni Kony. Plano ni Jolie na imbitahan si Kony sa isang pribadong hapunan, na lingid sa kaalaman nito ay dadamputin ito roon ng mga sundalo ng U.S. Special Forces.

Hindi naisakatup­aran ang plano, at hindi nabigay ng komento ang aktres hinggil dito. Gayunman, maituturin­g na isang bayani si Jolie dahil sa kanyang kawanggawa.

 ??  ?? Angelina
Angelina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines