Balita

Ateneo vs FEU sa PVL men’s title

-

NAITAKAS ng Ateneo ang dikdikang duwelo kontra University of Santos Tomas, 22-25, 25-22, 31-29, 2513 sa deciding Game Three ng kanilang semi-finals playoff at makausad sa championsh­ip round ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference men’s division nitong Lunes sa The Arena sa San Juan.

May pagkakatao­n ang Blue Eagles, kampeon sa nakalipas na dalawang Spikers’ Turf collegiate titles, na makamit ang ikatlong sunod na titulo sa pakikipagt­uos sa Far Eastern University sa best-of-three PVL finals series simula ngayon.

Balik-aksiyon si Marck Espejo, nagmintis sa Game Two para maglaro sa UAAP beach volleyball, sa naiskor na 23 puntos, habang kumana sina Gian Carlo Glorioso at Ishmael Rivera sa pinagsaman­g 21 puntos para sa Ateneo.

“’Yun ang sinabi ko sa kanila, we have to be specific, we should know what to do next because the opponent is really studying us,” sambit ni Ateneo coach Oliver Almadro.

“Alam naman natin na nasa amin ang mata ng lahat, inaaral kami. So we really have to do something new,” aniya.

“Since last year, ‘yun na ang sinabi ko na intact team, high intensity team. May winning tradition din so we really have to be prepared for them.”

“’Yung energy ng FEU, ‘yun ang nagdadala sa kanila eh. What’s important is kung ma-match namin or malamangan namin ang energy ng FEU, I guess papatas kami sa laban this Finals,” aniya.

Nanguna si Joshua Umandal sa Tigers Spikers sa naiskor na 20 puntos, habang kumana si Manuel Medina ng 12 puntos. Makakahara­p nila ang NU Bulldogs sa third place.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines