Balita

La Salle netters, kampeon sa UAAP

-

PARA kay Ian ‘ Yan- Yan’ Lariba.

Sa ganitong mensahe ipinadama ng La Salle ang marubdob na hangarin na maitala ang makasaysay­ang four-peat sa women’s table tennis ng UAAP.

Ginapi ng Lady Green Paddlers ang University of Santo Tomas para mapanatili ang kampeonato sa Season 80 nitong Lunes sa UP CHK Gym.

Matapos mabigo sa championsh­ip opener, 2- 3, na pumutol sa kanilang 14- game winning run, bumalikwas ang Green Paddlers para maipanalo ang huling dalawang laro sa parehong iskor na 3-1 para sa ikaapat na titulo.

Bahagi ang Rio Olympian na si Lariba, kasalukuya­ng nakaratay sa ospital dahil sa Leukemia, sa huling tatlong kampeonato ng Taft-based paddlers.

Sa men’s division, nakopo ng National University ang kaunaunaha­ng titulo sa table tennis nang gapiin ang UST, 3-1, sa deciding match.

Nakopo ni Emy Rose Dael, pumalit sa iniwang puwesto ni Lariba, ang ikalawang sunod na MVP award, habang naging makahuluga­n ang pagtatapos ng kanyang teammates na sina Jamaica Sy at Mardeline Carreon.

Nakuha naman si Ateneo’s Joana Chen ang Rookie of the Year honor, habang si John Misal ng Bulldogs ang season MVP sa men’s class.

Nagwagi rin ang NU boy’s team kontra UST, 3-0, para sa double celebratio­n ng Sampaloc- based paddlers.

Napagwagih­an naman ng UST girls’ team ang korona kontra La Salle, 3-1.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines