Balita

‘D best si Dillinger

- Marivic Awitan

IGINAWAD kay Meralco wingman Jared Dillinger ang kanyang ikalawang sunod na PBA Press Corps Player of the Week award pagkaraan nang isa na namang outstandin­g effort sa pagusad ng Bolts sa Governors’ Cup Finals sa ikalawang sunod na season.

Nagtala ang kaliweteng si Dillinger ng average na 14 puntos, 3.5 rebounds at 2.5 assists sa nakaraang dalawang laro ng Meralco na kumumpleto sa kanilang three-game sweep kontra Star Hotshots sa semifinals.

Mainit din ang 33- anyos na si Dillinger sa three-point arc na pinatunaya­n ng kanyang itinalang walong triples sa dalawang laban.

Nagtala ang tinagurian­g “Daredevil” ng 18 puntos upang giyahan ang Bolts sa 98-74 na paggapi sa Star sa Game 2 sa Sta. Rosa, Laguna.

At tinapos niya ang itinalang sweep ng Bolts sa itinala niyang 10 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists nang ungusan ng Meralco , 9188, ang Hotshots sa overtime.

Ginapi ni Dillinger ang teammate na si Baser Amer, Ginebra’ guard LA Tenorio at slotman Greg Slaughter para sa weekly citation.

“I pulled my hamstring before and had to sit at the sidelines and watch the whole time,” ani Dillinger. “I’ve been kicking myself on the butt for a year and hoping we can make the Finals and finally making it.”

Makakasagu­pa ng Meralco ang defending champion Barangay Ginebra sa Governors’ Cup Finals rematch na magsisimul­a sa Biyernes sa Lucena City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines