Balita

Isa na lang sa St. Clare

-

MAAGANG nangibabaw ang St. Clare College-Caloocan tungo sa dominanten­g 101- 79 panalo kontra De Ocampo Memorial College sa Game One ng kanilang best-of-three titular showdown sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament nitong Lunes sa San Andres Sports complex sa Malate.

Hataw si Aris Dionisio sa naiskor na 27 puntos mula sa 12of-17 shooting at 13 rebounds para sandigan ang Saints sa scoring run sa third at fourth period tungo sa panalo na naglapit sa Caloocanba­sed cagers sa inaasam na backto- back title sa pinakamala­king collegiate league sa aspeto ng miyembro sa bansa.

Nangangamo­y din para sa 6- 4 forward na si Dionisio ang back-to-back MVP honor, tangan ang marka na naging sandigan ng St. Clare at maigupo ang dating walang talong Cobras para sa inaasam na titulo.

Target ng Saints na makumpleto ang dominasyon sa pagpalo ng Game 2 sa Huwebes sa pareho ring venue.

Nag-ambag si Junjie Hallare sa natipang 20 puntos, habang kumubra sina Paeng Rebugio at Mohamed Pare ng 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasun­od para sa Saints na pinanganga­siwaan ni NAASCU president Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Jino Manansala.

Nanguna si Dahrrel Caranguian sa De Ocampo sa naisalansa­n na 22 puntos, kasunod si Raymart Atabay na may 12 puntos.

Wala nang ibang player ang De Ocampo na nakaiskor ng double digits, dahilan para matikman ng Ronnie Dojillo- mentored Cobras ang unang kabiguan matapos walisin ang siyam na laro sa eliminatio­ns, gayundin ang playoffs sa semi-finals.

Naputol naman ang pagdiriwan­g ng St. Clare nang mabigo ang kanilang junior team sa Our Lady of Fatima, 86-83, sa Game One ng kanilang best-of-three title series sa juniors division.

Kumubra si Danzel James Gomez ng 22 puntos, kabilang ang three-point shot na nagbigay sa OLFU ng 84-83 bentahe may 29 segundo ang nalalabi.

Nanguna naman si Prince Casin sa St. Clare na may naiskor na 23 puntos, at walong rebounds, habang kumana si Joshua Fontanilla ng 21 puntos, pitong rebounds at limang assists.

Iskor: (Juniors)

Fatima ( 86)-- Gomez 22, Panganiban 20, Hoyohoy 12, Diaz 10, Dalupang 9, Pastrana 8, Santiago 3, Abila 2, Leguin 0.

St. Clare ( 83) -- Casin 23, Fontanilla 21, Peñaredond­o 10, Reyes 10, Jumaquio 6, Victoriano 6, Sienes 6, Biteng 1, Junio 0

Quartersco­res: 23- 12, 42- 36, 66-62, 86-83. (Seniors) St. Clare (101) - Dionisio 27, Hallare 20, Rebugio 15, Pare 10, Mendoza 9, Palencia 9, Alcober 5, Rubio 2, De Leon 2, De Mesa 1, Principe 1.

DOMC (79) - Caranguian 22, Atabay 12, Clarito 9, Sabasaje 6, Manalang 6, Artesano 5, Ramos 4, Dela Cruz 3, Montojo 3, Cañelas 3, Lescano 2, Pascual 2, Fabro 2.

Quartersco­res: 18- 13, 42- 36, 67-57, 101-79

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines