Balita

UST Tigers, asam makakagat sa Maroons

- Marivic Awitan

APAT na koponan na galing sa kabiguan sa kanilang huling laban sa pagtatapos ng first round ang nakatakdan­g magtapat ngayong hapon sa nakatakdan­g double header sa pagbubukas ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament second round sa Araneta Coliseum.

Unang magtutuos ang dalawang koponang una ring nagharap noong opening, ang University of the Philippine­s at University of Santo Tomas ganap na 2:00 ng hapon kasunod ang defending champion De La Salle University at Far Eastern University ganap na 4:00 ng hapon.

Tatangkain ng Fighting Maroons na makaahon sa kinasadlak­ang 3-game losing skid sa pamamagita­n ng pagduplika kung hindi man makapagtal­a ng mas kumbinsido­ng panalo kumpara sa 74-73 first round win nila kontra UST.

Sa panig naman ng Tigers, sisikapin nitong makamit na ang napakailap na unang panalo sa pamamagita­n ng pagbawi sa nasabing masaklap na kabiguan sa kamay ng UP noong opening na dulot ng 3-pointer ni Paul Desiderio.

Matapos mabigong makapagtal­a ng kahit isang panalo noong first round, umaasa ang Tigers na mahahanapa­n na nila ng solusyon ang problema kung paanong tatapos ng malakas sa isang laban at malimitaha­n ang kanilang mga errors.

Sa tampok na laro, nangako naman ang Green Archers na babawi sa natamong masaklap na kabiguan sa kamay ng kanilang archrival Ateneo de Manila sa pagtatapos ng unang round(7576) sa pagsagupa nilang muli sa Tamaraws.

Magtatangk­a ang De La Salle na maulit ang 95-90 panalo nila kontra Tamaraws noong opening kahit wala pa noon ang kanilang Cameroonia­n center na si Ben Mbala.

Ngunit, tiyak namang buo na rin sa loob ng Tamaraws ang gumanti para masimulan ang second round sa pamamagita­n ng panalo kaya ‘t magkukumah­og din itong bumangon sa natamong, 79-95 na kabiguan sa kamay ng Adamson Falcons sa huli nilang laro noong first round.

Pero malaking dagok para sa FEU ang isang larong suspensiyo­n na ipinataw sa kanilang forward na si Arvin Tolentino kasunod ng thrown out nito sa laban nila kontra Falcons dahil sa dalawang unsportsma­nlike foul.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines