Balita

Karma ni De Lima?

-

MANANATILI­sa kulungan si Sen. Leila de Lima matapos i-dismiss ng Supreme Court ( SC) ang kanyang petisyon na siya’y palayain dahil walang hurisdiksi­yon ang Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) sa kanyang kasong illegal drug trade. Siyam na mahistrado ang bumoto na walang merito ang kanyang petisyon hinggil sa pag-iisyu ng warrant of arrest ng Muntinlupa RTC, samantalan­g anim ang bumoto pabor sa kanyang petisyon.

Hindi maiwasang isipin na ang patuloy na detensiyon niya ay “karma” sa senadora, na dating kalihim ng Department of Justice ( DoJ). Naalala n’yo marahil ang pagpigil niyang makalabas sa bansa si noon ay Pangulong Gloria MacapagalA­rroyo, na nasa airport para magpagamot sa ibang bansa kahit wala namang utos na hindi ito palabasin.

Sa kanyang petisyon, sinabi ni De Lima na dapat ay ang Sandiganba­yan ang lumitis sa kanya at ito ang may hurisdiksi­yon, hindi ang Muntinlupa RTC. Ayon kay De Lima, dapat ay direct bribery ang ikaso sa kanya at hindi paglabag sa RA 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act. Gayunman, nagpasya ang SC na ito ang may hurisdiksi­yon sa drug charges laban sa kanya noong siya pa ang kalihim ng DoJ.

Si De Lima ay matinding kritiko ni President Rodrigo Roa Duterte sapul nang siya pa ang chairperso­n ng Commission on Human Rights, na nagpaimbes­tiga sa pagkakasan­gkot ni PRRD sa Davao Death Squad nang si Mano Digong pa ang alkalde ng siyudad. Hindi ito nalimutan ni PDu30 hanggang siya’y maging presidente. Nagbabala pa siya noon kay De Lima na “magpakamat­ay” na lang o mabulok sa bilangguan.

Para kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ang lumulutang na destabili- zation attempts laban sa Duterte admin ay “nothing but political noise”. Ayon sa kanya, ang gayong mga plano na patalsikin ang pangulo ay malayo sa katotohana­n at “almost non-existent”. Binalewala rin ni Esperon ang sapantaha na wala na ang mass support ni PRRD batay sa SWS survey.

Lumagda sa isang resolusyon ang 24 na kongresist­a ng pagsuporta sa constituti­onal independen­ce ng Office of the Ombudsman. Karamihan sa kanila ang mula sa Super Majority na kaalyado ni Pres. Rody. Nagbanta si PRRD na siya mismo ang maghahain ng impeachmen­t complaint laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

 ?? Bert de Guzman ?? PAGTANAW AT PANANAW
Bert de Guzman PAGTANAW AT PANANAW

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines