Balita

NA-FAKE NEWS?

Galit ni Duterte sa EU, para sa HRW pala!

- Ni GENALYN D. KABILING

Biglang kambiyo ang Malacañang sa tirada sa European Union (EU) at bumaling sa Human Rights Watch ( HRW) matapos mapag-alaman na walang kinalaman ang regional bloc sa diumano’y planong pagpapatal­sik sa Pilipinas sa United Nations.

Sa pagkakatao­ng ito, binanatan ni Presidenti­al spokesman Ernesto Abella ang “self- styled human rights watchdog” sa pagbatikos sa pamahalaan, at isinantabi ang mga babala ng samahan na “unwarrante­d nuisance.”

“The Human Rights Watch (HRW), a self-styled HR watchdog, has accused the Philippine­s of violating its membership obligation­s and threatens to call for the Philippine­s to be delisted from the UNHRC,” pahayag ni Abella.

“The only basis for suspension of privileges of members of the UNHRC is for the concerned member to have committed ‘gross and systematic violations of human rights,” dugtong niya.

Sa kanyang talumpati nitong Huwebes, inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU na nagpaplano­ng patalsikin ang Pilipinas sa UN. Nagbanta rin si Duterte na palalayasi­n ang EU ambassador­s sa loob ng 24 oras sa gitna ng mga alegasyon na nakikialam ang bloc sa domestic affairs.

Bago ang mga pahayag ng Pangulo, gayunman, walang inilabas na pahayag ang EU na naglalayon­g ipatanggal ang bansa sa UN. Sa halip, ang Human Rights Watch (HRW) ang nagbabala na maaaring mawalan ng membership ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) kapag hindi nahinto ang mga pang-aabuso sa karapatan na iniuugnay sa war on drugs.

Bilang tugon sa mga banat ng Pangulo, naglabas ang EU delegation sa Pilipinas ng paglilinaw na ang foreign delegation na bumisita sa Manila ay hindi official mission ng EU, at wala silang balak na patalsikin ang bansa sa UN. Iginiit din ng EU na patuloy itong makikipagt­rabaho sa Pilipinas.

Matapos magkaliwan­agan, nilinaw ng Palasyo na pinapahint­ulutan pa rin ng pamahalaan ang mga ambassador ng EU na manatili sa bansa.

Ayon kay Abella wala namang direktiba para paalisin ang EU envoys sa bansa.

Sinabi ni Abella na nagsinunga­ling ang seven-member group ng Internatio­nal Delegates of Progressiv­e Alliance, na bumisita kamakailan sa bansa at nagpakilal­ang official EU mission.

“The European delegation yesterday (Thursday) they issued a clarificat­ion that --- it cleared the air, in other words, that the seven-man team was not the EU itself,” aniya sa news conference sa Palasyo.

Nang tanunginku­ngmisinfor­med o na-misled ng impormasyo­n si Duterte kaugnay sa EU, sinabi ni Abella na nagre-react lamang ang Pangulo sa isang ulat sa pahayag tungkol sa mga nagbibisit­ang banyagang delegasyon.

“So basically, it’s a lesson for us also to -- for the need for critical reporting and -- and reading of the news,” aniya.

Inaasahang magsasagaw­a ang gobyerno ng pormal na paglilinaw sa EU community kaugnay sa pahayag kamakailan ng Pangulo.

“I’m sure these things are being clarified directly to persons concerned,” ani Abella.

 ?? KING RODRIGUEZ ?? IDOL! Sinabayan ng Hollywood actor na si Steven Seagal sa signature post si Pangulong Rodrigo Duterte nang mag-courtesy call siya sa Presidente sa Malacañang nitong Huwebes ng gabi.
KING RODRIGUEZ IDOL! Sinabayan ng Hollywood actor na si Steven Seagal sa signature post si Pangulong Rodrigo Duterte nang mag-courtesy call siya sa Presidente sa Malacañang nitong Huwebes ng gabi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines