Balita

Approval, trust ratings ni Digong nakabawi

- Ni ALEXANDRIA DENNISE SAN JUAN May ulat nina Beth Camia at Argyll Cyrus Geducos

Sa harap ng sangkatuta­k na isyung kinahahara­p ng administra­syon at ilang araw makaraang bumulusok ang satisfacti­on at trust rating niya sa survey ng Social Weather Stations (SWS), mistulang nakabawi si Pangulong Rodrigo Duterte nang mapanatili niya ang “big majority approval ratings” sa huling Pulse Asia Research survey nang makakuha siya ng parehong 80 porsiyento.

Batay sa Ulat ng Bayan surveys nitong Setyembre 24-30, nanatiling mataas ang approval at trust ratings ni Duterte sa parehong 80%, habang naitala naman sa pinakamaba­ba ang disapprova­l at distrust sa kanya sa 7% at 6%, ayon sa pagkakasun­od.

Tumanggap si Pangulong Duterte ng 92% na approval sa kanyang performanc­e ratings sa Mindanao, kasunod ang 86% sa Visayas, 76% sa Metro Manila, at 72% sa Luzon.

Mataas din ang trust rating niya sa Mindanao na pumalo sa 93%, 86% sa Visayas, 76% sa Metro Manila, at 72% sa Luzon.

Sa panahong ginawa ang survey sa 1,200 respondent­s, isa sa malalaking balita ang imbestigas­yon ng Senate Blue Ribbon Committee sa P6.4-billion shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC), na nakaladkad ang pangalan ng anak ng Pangulo na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Atty. Manases Carpio.

Sa nasabing panahon din pinabulaan­an ng Presidente ang anumang state policy tungkol sa drug war, nagtungo sa Singapore si Senator Antonio Trillanes IV para patunayang mali ang alegasyon ni Duterte tungkol sa bank accounts umano ng senador, at nagbanta ang Pangulo na magtatatag ng komisyon upang imbestigah­an ang Office of the Ombudsman.

Masaya naman ang Malacañang sa mataas na approval at trust ratings na naitala ng Pangulo sa Pulse Asia survey.

“Despite the multifacet­ed political noise, President Duterte is still the most approved and the most trusted government official in the Philippine­s today with an 80 percent approval rating and 80 percent trust rating,” sinabi kahapon ni Presidenti­al Spokespers­on Ernesto Abella Abella.

“The survey [was] conducted last September 24-30 at the height of the demolition job against the President, even implicatin­g some members of the President’s family,” dagdag pa ni Abella.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines