Balita

Satisfacti­on rating ni Robredo, tumaas

- Alexandria Dennise San Juan

Mas dumarami ang mga Pilipino na kuntento sa trabaho ni Vice President Leni Robredo na tumaas ang "good" public satisfacti­on ratings kasama ang senate president sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), habang ang net ratings ng dalawa pang high-ranking government officials ay bumagsak sa neutral.

Batay sa survey noong Setyembre 23-27, ang net satisfacti­on ratings ni VP Robredo ay nananatili sa "good" na may limang puntos na pagtaas sa +41 mula sa +36 noong Hunyo.

Sa third quarter survey, 62 porsiyento ng 1,500 respondent­s sa buong bansa ang nagsabing satisfied sila sa performanc­e ng pangalawan­g pangulo habang 21% ang dissatisfi­ed.

Ang limang puntos na pagtaas sa overall satisfacti­on rating ni Robredo ay resulta ng pitong puntos na pagtaas sa Balance Luzon at Visayas, at tatlong puntos sa Metro Manila, at steady score sa Mindanao.

Nananatili ang public satisfacti­on ratings ni Robredo sa "very good" sa Visayas sa +60 mula +53 noong Hunyo, habang "good" sa Balance Luzon sa +42 mula +35 sa second quarter survey.

Nakakuha siya ng "moderate" sa Metro Manila sa +23 na may tatlong punto na pagtaas mula + 20, at nanatiling "good" +31 sa Mindanao.

Ipinakita sa survey na ang doubledigi­t gains ni Robredo sa kanyang satisfacti­on ratings ay nakuha sa urban areas, kabilang sa class ABCs, at sa mga estudyante sa kolehiyo.

Samantala, nananatili ring “good” ang net satisfacti­on ni Senate President Pimentel na tumalon pa sa +46, tumaas ng 13 puntos, mula sa +33 noong Hunyo.

Bumagsak naman ang public satisfacti­on nina Speaker Pantaleon Alvarez at Chief Justice Maria Lourdes Sereno na kapwa bumaba mula "moderate" sa "neutral."

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines