Balita

Killer ng kapitan sa Tondo, tugisin!—Erap

- Mary Ann Santiago

Mahigpit na ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na hulihin ang mga suspek sa pagpatay sa isa na namang kapitan ng barangay sa Tondo, Maynila.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikirama­y si Estrada sa pamilya ng biktimang si Arnel Parce, 47, na aniya’y “very competent” na chairman ng Barangay 20, Zone 2, District 1.

Nabatid na si Parce ang ikalimang barangay chairman sa Maynila na pinatay ngayong taon.

“Get the culprits as soon as possible!” utos ng alkalde kay Manila Police District (MPD) Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel.

Ayon kay Erap, personal niyang kilala si Parce at kuwalipika­do ito sa posisyon dahil masipag at napakabait na tao.

“He’s very qualified. He’s very industriou­s and down to earth. The barangay chairman was very competent,” paglalaraw­an ng alkalde kay Parce.

“He always had his heart for his constituen­ts,” dagdag pa ni Estrada, at sinabing hindi ito nagdadalaw­ang-isip na lumapit sa kanya basta para sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupa­n.

Matatandaa­ng binaril si Parce habang nakikipag-usap sa ilang residente sa San Roque Street.

Nakunan pa ng closed-circuit television ( CCTV) camera ang pagbaba ng armado mula sa motorsiklo at pinaputuka­n ang biktima.

Nakipagbun­o rin ang suspek sa isang barangay employee na kinilalang si Christophe­r Balotinos, alyas Pipi, na nadaplisan ng bala sa likod.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines