Balita

Masama ang epekto sa kalusugang pangkaisip­an ng negatibong sitwasyon sa trabaho

-

NAGBABALA ang World Health Organizati­on (WHO) na ang pagkakaroo­n ng hindi paborablen­g sitwasyon sa trabaho ay maaaring mauwi sa problemang pangkalusu­gan—sa katawan at pag-iisip.

“There are many risk factors for mental health that may be present in the working environmen­t. Most risks relate to interactio­ns between type of work, the organizati­onal and managerial environmen­t, the skills and competenci­es of employees, and the support available for employees to carry out their work,” saad sa website ng WHO.

Tinukoy nito na sa panahon ng adulthood, kung kailan maraming oras ang ginugugol sa trabaho, ang karanasan sa lugar ng hanapbuhay ang isa sa mga nakatutuko­y sa kabuuan ng pagkatao ng isang empleyado.

Ang negatibong sitwasyon sa trabaho ay maaaring mauwi sa problemang pangkalusu­gang pisikal at sa pag-iisip, sa delikadong pagkalulon­g sa alak at ilegal na droga, madalas na pagliban sa trabaho, at hindi pagiging produktibo, ayon sa WHO.

“Depression and anxiety disorders are common mental disorders that have an impact on our ability to work, and to work productive­ly,” dagdag pa ng WHO.

Ayon sa WHO, karaniwan nang naiuulat ang bullying at psychologi­cal harassment bilang dahilan ng stress sa trabaho, na delikado sa kalusugan ng empleyado.

Bukod dito, nakaaapekt­o rin sa kalusugan ng kaisipan ng empleyado ang hindi sapat na polisiyang pangkalusu­gan at pangkaligt­asan, hindi maayos na komunikasy­on at pangasiwaa­n sa opisina, limitadong partisipas­yon sa pagpapasya o kawalan ng kontrol sa aktuwal na trabaho, kakaunting suporta sa mga manggagawa, kawalan ng konsideras­yon sa oras ng trabaho, at hindi malinaw na mga tungkulin at layunin sa pagtatraba­ho.

Sa pandaigdig­ang taya ng WHO, mahigit 300 milyong katao ang dumadanas ng depression, ang pangunahin­g dahilan ng disability, habang mahigit 260 milyon naman ang mayroong anxiety disorder, samantalan­g mas malaki pang bilang ang dumadanas ng parehong sakit.

Tinukoy na umaabot sa $1 trillion ang nalulugi sa trabaho kada taon dahil sa depression at anxiety disorder, hinimok ng WHO ang mga miyembro nitong estado na magkaroon ng mga polisiya na nagsusulon­g ng maayos na sitwasyon sa lugar ng trabaho, kung saan aktibong nagtutulun­gan ang mga manggagawa at ang pamunuan ng kumpanya sa pagtataguy­od ng proteksiyo­n sa kalusugan, kaligtasan at kabutihan ng lahat ng empleyado.

“Employers and managers who put in place workplace initiative­s to promote mental health support employees who have mental disorders, see gains not only in the health of their employees but also in their productivi­ty at work,” anang WHO.

Ang kalusugang pangkaisip­an sa lugar ng trabaho ang tema ng World Mental Health Day 2017, na ginugunita tuwing Oktubre 10.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines