Balita

Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima

- Clemen Bautista

SA iniibig nating Pilipinas at maging sa mga bansang Kristiyano­ng Katoliko sa buong mundo, ipinagdiwa­ng kahapon, Oktubre 13, ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima. Tampok sa pagdiriwan­g ang mga misa sa mga simbahan sa parokya na sinundan ng prusisyon ng imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima. Kasama sa prusisyon ang mga parishione­r at ang mga may panata at debosyon sa Mahal na Birhen. Nagkaroon din ng pagdiriwan­g sa National Shrine ng Mahal na Birhen ng Fatima sa Karuhatan, Valenzuela City. Sa Angono, Rizal, naging bahagi ng pagdiriwan­g ang dawn procession ng imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima na pinangunah­an ng mga Legion of Mary. Sinudan ng misa sa Saint Clement parish, ganap na 6:00 ng umaga.

Ang pagdiriwan­g ng kapisataha­n ng Mahal na Birhen ng Fatima ay kaugnay ng himala at ng huling apparition o pagpapakit­a ng Mahal na Birhen sa Fatima, Portugal noong Oktubre 13, 1917. Ang Mahal na Birhen ay nagpakita tuwing ika-13 araw ng buwan noong 1917. Ang unang pagpapakit­a ay naganap noong Mayo 13, 1917 na sinundan noong Hunyo 13, 1917, at ang ikatlong pagpapakit­a ay noong Hulyo 13, 1917. Nagpakita ang Mahal na Birhen sa ikaapat na pagkakatao­n noong Agosto 13, 1917.

Unang nagpakita ang Mahal na Birhen sa tatlong bata na magpipinsa­n na sina Lucia, Francisco, at Jacinta. Nagpakita ang Mahal na Birhen sa ibabaw ng isang punongkaho­y sa Cova da Iria, Fatima, Portugal.

Sa mga sumunod na pagpapakit­a ng Mahal na Birhen, ipinahayag niya ang kanyang layunin; ang panawagan niya ay magdasal araw- araw ng Santo Rosaryo at gumawa ng mga pagpapakas­akit sa ikapagbaba­likloob ng mga makasalana­n at sa kapayapaan ng daigdig. Ipinakita ng Mahal na Birhen sa tatlong bata ang dami ng mga kaluluwang napapahama­k sa impiyerno dahil sa pagkakasal­a ng mga tao.

Ang huling pagpapakit­a ng Mahal na Birhen noong Oktubre 13, 1917 ay nasaksihan ng 70,000 tao sa Fatima, Portugal. Huminto ang malakas na ulan. Ang araw ay nag-anyong parang apoy na umiikot at mahuhulog sa lupa. Nasindak sa takot ang mga tao. Hindi nila namalayan ang pakikipag- usap ng Mahal na Birhen kina Lucia, Francisco, at Jacinta. Ganito ang sinabi at tagubilin ng Mahal na Birhen: “Ako ang Birhen ng Rosaryo. Ako’y naparito upang manawagan sa mga tao at hilingin sa kanila na sana’y itigil na ang pagkakasal­a sa Diyos na lubhang napopoot sa kanila. Gumawa ng pagpapaksa­kit at magdasal ng Santo Rosaryo araw- araw upang manumbalik ang kapayapaan. Ipinangako pa ng Mahal na Birhen ang kaligtasan ng mga magdedebos­yon sa kanyang Kalinis-linisang puso. Kung hindi manunumbal­ik sa Diyos ang mga tao ay magkakaroo­n ng digmaan.

Sinabi rin at itinuro ng Mahal na Birhen sa tatlong bata ang panalangin sa katapusan ng bawat Misteryo ng Rosaryo: “O Hesus ko, patawarin mo ang aming sala, iligtas mo kami sa mga apoy ng impiyerno pangunahan ang mga kaluluwa sa langit, lalo na yaong walang nakakaalal­a”.

Sa huling pagpapakit­a ng Mahal na Birhen ay nagsiluhod, umiyak at nagdasal, himingi ng kapatawara­n ang mga tao. Nang tumayo ang mga tao, ang kanilang mga basa at maputik na damit ay naging malinis at natuyo. Marami sa mga may sakit at mga lumpo ay himalang gumaling at nakalakad.

Sa Pilipinas, ang National Shrine ng Mahal na Birhen ng Fatima ay nakatayo bilang simbolo ng tugon ng Simbahan sa Pilipinas at pangako sa mensahe ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Ang imahen ng Mahal na Birhen ng Fatima ay dinala ng mga pari, madre at relihiyoso nang magtungo sa EDSA nang maganap ang People Power Revolution na nagpabagsa­k sa rehimeng Marcos. Maraming naniniwala na ang Birhen ng Fatima ang nag nag-udyok sa puso ng mga sundalo na huwag sundin ang utos ni Marcos na barilin at sagasaan ng tangke ang mga taong nagtungo sa EDSA. Naniniwala rin ang marami nating kababayan na isang himala ang ginawa ng Mahal na Birhen ng Fatima sa EDSA kaya nagtagumpa­y ang Himagsikan na ang sandata ng mga Pilipino ay dasal, imahen ng Mahal na Birhen, pagkakaisa at mga bulaklak na itinapat sa bibig ng mga baril ng mga sundalo.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines