Balita

Para kay Vilma, ‘di lang direktor si Maning Borlaza

- Ni JIMI ESCALA

ISA si Direk Emmanuel “Maning” Borlaza sa mga paboritong director ni Lipa City Representa­tive Vilma Santos-Recto. Kaya ganoon na lamang ang lungkot niya nang makarating sa kanya ang pagpanaw ng beteranong filmmaker.

Kuwento ni Ate Vi, huli silang nagkausap ni Direk Maning sa lamay ng beteranong journalist na si Mario Hernando. Napakarami nilang napag-usapan na halos nakasentro sa mga pinagsamah­an nila at sa mga pelikulang nagawa nila together.

Hindi makakalimu­tan ng Star for All Seasons si Direk Maning Borlaza na naging director ng pelikula niyang Dama de Noche na nagbigay sa kanya ng kanyang unang Famas Best Actress award.

“Si Direk Manny rin ang director ng ilan sa mga naging paborito kong movie na kagaya ng Lipad, Darna, Lipad na siya rin ang sumulat screenplay, sey ni Ate Vi.

Hindi lang director para sa kanya si Direk Maning kundi isa ring matalik na kaibigan.

“‘Kalungkot, adviser ko rin siya sa buhay ko. Pati mga naging problema ko sa personal kong buhay, eh, isa siya sa talagang nakakaalam at nagbigay ng payo sa akin kung ano ang gagawin ko,” banggit pa ni Ate Vi.

Kaya para kay Ate Vi, malaking bahagi si Emmanuel Borlaza ng mga narating at patuloy na nararating bilang aktres at mga nakakamit niyang hindi na mabilang na recognitio­ns at awards.

“Sa showbiz kasi, sabi nila, eh, bibihira raw ‘yung talagang andiyan para sa pagiging magkaibiga­n ninyo. Ups and downs, maaari kong ipagmamala­ki na ganu’n si Direk sa akin,” dugtong pa ng premyadong aktres/public servant na kabilang sa mga mambabatas na sumusuport­a kay Ombudsman Conchita Morales.

 ??  ?? Direk Maning
Direk Maning
 ??  ?? Vilma
Vilma

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines