Balita

‘Sa Tondo man, may sports din’ -- PSC

-

ILALARGA ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagita­n ng Philippine Sports Institute ( PSI), ang Children’s Games’ ‘ Palaro Kontra Droga: PSC- PSI Manila Multi- Sport Camp’ ngayong weekend sa Smokey Mountain sa Tondo, Manila.

Ayon kay PSI NCR Program Coordinato­r at dating PSC Deputy Executive Director Cesar V. Pradas, target ng programa na makatuklas ng talento at mahikayat ang mga kabataan na umiwas sa bisyo at ituon ang kaisipan sa sports at sa pag-aaral.

“The PSC wants participan­ts to discover their talents and potential in baseball and softball, finish college and mold them to become good citizens,” pahayag ni Pradas.

Sentro ng liderato ni PSC Chairman Butch Ramirez ang kaunlaran ng ng mga kabataan sa pamamagita­n ng sports at sa pangangasi­wa ni PSI National Director Mark Velasco, mas pinaigting hindi lamang sa Manila bagkus sa mga liblib na lalawigan ang mga programa para sa kabataan at sa Indeginous People. Nakikiisa rin ang pamahalaan­g Lungsod ng Manila, sa pamumuno ni Mayor Joseph Estrada sa programa na nakatuon sa sports na baseball at softball na gaganapin sa Smoking Mountain Fieldm habang ang swimming at taekwondo games ay sa Rizal Memorial Sports Complex. Inaasahan ang 500 kabataan na makikiisa sa programa.

“The youth will enjoy playing and will appreciate the value and importance of sports in their lives. They will feel that they have roles to play in our society, thus building their self- confidence,” sambit ni Pradas.

 ?? FB PHOTO/H.DIAZ ?? NEXT OLYMPIAN! Masayang nakiisa si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (gitna) sa mga kabataan na nakilahok sa isinagawan­g torneo para sa kanyang tagumpay sa Zamboanga City. Kasama na nagbigay ng mensahe si PSC Commission­er Charles Maxey.
FB PHOTO/H.DIAZ NEXT OLYMPIAN! Masayang nakiisa si Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (gitna) sa mga kabataan na nakilahok sa isinagawan­g torneo para sa kanyang tagumpay sa Zamboanga City. Kasama na nagbigay ng mensahe si PSC Commission­er Charles Maxey.
 ??  ?? RAMIREZ
RAMIREZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines