Balita

Cristine, ‘di bawal mag-promote ng pelikula ng OctoArts sa Dos

- –Nora Calderon

OPEN na ang issue between OctoArts Films at Star Cinema, na sabay na magso-showing ng kani-kanilang movie simula sa November 1 – ang Spirit of the Glass 2: The Haunted ni Direk

Joey Reyes at ang Ghost Bride ni Chito Roño, respective­ly.

Kaya hindi naiwasang itanong ito kay Direk Joey sa kanilang grand presscon.

“Let’s work for a very good time for Filipino movies,” sagot ni Direk Joey. “I’ll be the first to say on November first we’re going to have a screamfest of two horror movies. Kung anuman ang ‘pinost ko sa Facebook account ko, personal na iyon at labas sa trabaho ko, bilang director ng movie. Let’s remain positive. There are lessons learned and there is wisdom to be acquired.”

Kaya nilinaw ng lead actress ng movie na si Cristine Reyes ang issue na hindi raw siya puwedeng mag-promote ng movie nila sa ABSCBN.

“Feeling ko rin po na may ganoon ngang issue pero ayaw kong pag-usapan dahil hindi naman ako kasali, sila ang nag-uusap tungkol doon,” paliwanag ng aktres. “Pero p’wede raw po naman akong mag- promote kay Tito Boy Abunda sa Tonight

With Boy Abunda at sa ASAP. Ayaw ko rin pong magpapress­ure tungkol sa issue, ang mahalaga iyong gawin ko kung ano ang dapat kong gawin bilang isa sa cast ng movie.”

Nagkuwento rin si Cristine na masaya ang

shooting nila ng Spirit of the Glass dahil nakabondin­g niya ang mga artista na ngayon lang niya nakasama, sina Janine Gutierrez, Maxine Medina, Benjamin Alves, Daniel Matsunaga, Ashley Ortega, Enrico Cuenca, Terry Malvar,

Dominic Roque, Ahron Villaflor, atbp. Biro nga ni Direk Joey, nagkamali raw yata siya na pinag-workshop niyang magkakasam­a ang cast dahil sa shooting ay ang hirap tawagin lalo na kung nagkukuwen­tuhan at kumakain ang mga ito. Pero napaka-profession­als daw ng kanyang mga artista, kapag actual shoot na.

Nagpasalam­at din si Cristine sa lahat ng tumangkili­k ng movie niya na showing na ngayon, ang Seven Sundays kasama sina Aga Muhlach, Enrique Gil at Dingdong Dantes for Star Cinema.

Ang Spirit of the Glass2: The Haunted ay coproducti­on ng Octo-Arts at T-Rex Entertainm­ent.

 ??  ?? Cristine Sa Set Ng ‘Sotg’
Cristine Sa Set Ng ‘Sotg’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines