Balita

PISTON: Strike tagumpay; Gov’t: Wa’ epek!

- Alexandria Dennise San Juan, Bella Gamotea, Jun Fabon, Rommel Tabbad, Mary Ann Santiago, at Beth Camia

Kasabay ng pagmamalak­i kahapon ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide ( PISTON) na 90 porsiyento ng transporta­syon ang naparalisa sa pagsisimul­an ng dalawang- araw nilang tigilpasad­a sa bansa, iginiit naman ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) at Metropolit­an Manila Developmen­t Authority ( MMDA) na walang naging epekto ang transport strike sa mga pasahero, partikular sa Metro Manila.

Sa partial field report ng transport paralysis na isinapubli­ko ng PISTON bandang 11:30 ng umaga kahapon, sinabi nitong 90% ng 300,000 public utility jeepney (PUJ) sa bansa ang sumali sa tigil- pasada laban sa public utility vehicle modernizat­ion program ng pamahalaan.

Ayon sa grupo, 92% ng 60,000 jeepney sa Metro Manila ang sumali sa strike kahapon: 100% sa Makati at Parañaque, 97% sa Camanava, 95% sa biyaheng Sta. Mesa, 90% sa Novaliches, Zapote, Anda Circle, Litex, Marikina, at Maynila; at 80% sa Cubao.

Sinabi ng PISTON na naparalisa rin ang biyahe sa Nueva Vizcaya, Bulacan, Butuan City, at GMA, Cavite – 100%; Pampanga – 98%; Laguna, Davao, Rizal, at Albay – 95%; Camarines Sur – 90%; Masbate – 80%; Baguio – 75%; Surigao City – 60%; at Cebu City – 50%.

Gayunman, sinabi ng LTFRB at MMDA na hindi na ito nagpakalat pa ng maraming sasakyan para sa libreng sakay dahil hindi naman ramdam ang epekto ng tigil-pasada sa Metro Manila.

Sinabi ni LTFRB member at spokespers­on, Atty. Aileen Lizada, na batay sa 23 bus na ipinakalat nila sa Metro Manila, 1,140 pasahero lamang o 0.011% ng 10 milyong pasahero ng jeep ang naapektuha­n ng strike.

Ayon pa kay Lizada, nagsasagaw­a na sila ng imbestigas­yon upang matukoy ang mga jeepney driver na sumama sa protesta dahil kakanselah­in ng LTFRB ang prangkisa ng mga ito.

Samantala, mariin namang itinanggi ni PISTON National President George San Mateo na bahagi ng destabiliz­ation plot ang dalawangar­aw nilang tigil- pasada, gaya ng akusasyon ng LTFRB.

Tinawag pa ni San Mateo na “unfair” at “diversiona­ry tactics” ng pamahalaan ang nasabing bintang sa kanila.

“Ang issue rito ay may legitimate na kilos-protesta ang mga driver at jeepney operator kasi mawawalan sila ng kabuhayan. Mawawalan ng kabuhayan, at ang gusto ng gobyerno, ibigay itong transporta­syon sa malalaking korporasyo­n,” ani San Mateo.

Kaugnay nito, nanindigan naman ang gobyerno na hindi nito iuuring ang pinaplanon­g jeepney modernizat­ion program kahit pa patuloy na nagkakasa ng tigil-pasada ang ilang transport group.

“The Administra­tion remains committed to the Public Utility Vehicle Modernizat­ion Program (PUVVMP), which is long overdue,” saad sa pahayag ni Presidenti­al Spokesman Ernesto Abella.

 ??  ??
 ??  ?? APEKTADO NG STRIKE Muntik nang maging set ng isang pelikulang apocalypti­c ang lugar na ito sa Buendia, Pasay City dahil sa dami ng pasaherong nag-uunahan para makakuha ng masasakyan papasok sa trabaho sa kasagsagan ng tigil-pasada kahapon. JUN RYAN...
APEKTADO NG STRIKE Muntik nang maging set ng isang pelikulang apocalypti­c ang lugar na ito sa Buendia, Pasay City dahil sa dami ng pasaherong nag-uunahan para makakuha ng masasakyan papasok sa trabaho sa kasagsagan ng tigil-pasada kahapon. JUN RYAN...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines