Balita

Kathryn, maraming tagapagtan­ggol

- Ni NITZ MIRALLES

ANGina ni Kathryn

Bernardo na si Min Bernardo at si Karla Estrada na ina ni Daniel Padilla at Min at Kathryn mga kaibigan ng dalaga na sina Diego Loyzaga at Maris Racal ang nag-react sa body shaming na ginawa ni Xander Ford sa una.

Nag-post si Min ng pasasalama­t sa mga nagtanggol kay Kathryn dala ng video ni Xander Ford na pinuna ang pagiging sakang daw ng dalaga.

“Maraming salamat po sa inyong lahat na nagmamahal kay Kathryn, na laging handa na ipaglaban at ipagtanggo­l siya. We have been so blessed in life that our hearts are filled with gratitude. Sa mga bashers at haters ni Kathryn at KathNiel, kasama na ang lahat ng mga nag-iisip ng masama sa amin, God bless your souls!”

Maganda ang payo ni Karla kay Xander na, “Lesson Learned. Ugaliin ang magsalita ng maganda sa kapwa. Matutong harapin ang pagkakamal­i at humingi ng tawad.

Nag-tweet naman si Diego ng, “Naku Marlou, laki ng pagkakamal­i mo. Ako sa ‘yo, paretoke ka uli para ‘di ka mamukhaan ng tao” na sinundan ni Maris ng, “Errr. Nagtitimpi nga lang ako nu’ng inintervie­w ko ‘yun.”

May pahayag din si Kathryn sa body shaming na ginawa ni Xander na noong una, itinanggi at nag-issue pa ng statement, pero ‘yun pala’y totoong inokray niya ang aktres.

(Editor’s note: Basahin ang kaugnay na balita sa item ni Reggee.)

Ang latest, humingi ng tawad si Xander sa pangookray niya kay Kathryn at sinisi ang nag-upload ng video dahil hindi raw siya inirespeto.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines