Balita

Pagbisita sa Taiwan, visa-free na

- Roy C. Mabasa

Hindi na kakailanga­nin ng visa ng mga Pilipinong nagpaplano­ng bumisita sa Taiwan para sa negosyo o bilang turista ng hanggang 14 na araw simula sa Nobyembre 1, 2017, sinabi kahapon ng Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) sa Maynila.

Inihayag ng TECO na ang visafree initiative ay sasailalim sa siyam na buwang trial period hanggang Hulyo 31, 2018 bilang bahagi ng kabutihang loob at mga pagsisikap ng Taiwan para sa “New Southbound Policy” upang pasiglahin ang peopleto-people exchange of visits at ang kalakalang pang- ekonomiya ng Taiwan at Pilipinas.

Bukod sa pagbisita at negosyo, saklaw din ng visa-free ang mga Pilipino na nais pumunta sa Taiwan upang bisitahin ang mga kamag-anak, o dumalo sa pagtitipon o mga event.

Kailangang makuha ng mga Pilipinong visa-free visitor ang mga sumusunod: passport na maaari pang magamit hanggang anim na buwan mula sa date of entry, return ticket o ticket para sa susunod na destinasyo­n ng maglalakba­y at ang visa para sa partikular na destinasyo­n sakaling kailangan, walang criminal record sa Taiwan, at may mga papeles na magpapatun­ay na nagbakasyo­n o naglakbay.

Gayunman, inihayag ng TECO, kinakailan­gan pa rin ng visa ng mga nais na magtagal sa Taiwan ng mahigit sa 14 na araw, o para sa pag-aaral, pagtatraba­ho, missionary, employment at iba pang aktibidad, bago pumasok sa Taiwan.

Upang ibalik ang kabutihang loob na ito, hinikayat ni Lin ang gobyerno ng Pilipinas at ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) na bigyang garantiya rin ang visa-free treatment sa mga Taiwanese.

 ?? CAMILLE ANTE ?? SMILE! Nag-pose para sa litrato ang mga kandidata ng Ms. Earth 2017 na sina (mula sa kaliwa) Fernanda Rodriguez (Costa Rica), Yasuyo Saito (Japan), Begimai Nazarova (Kyrgztan), Ingrid Franco (Dominican Republic), Victoria Viczian (Hungary), Karen Rojas...
CAMILLE ANTE SMILE! Nag-pose para sa litrato ang mga kandidata ng Ms. Earth 2017 na sina (mula sa kaliwa) Fernanda Rodriguez (Costa Rica), Yasuyo Saito (Japan), Begimai Nazarova (Kyrgztan), Ingrid Franco (Dominican Republic), Victoria Viczian (Hungary), Karen Rojas...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines