Balita

Lifestyle check, OK sa BoC employees

- Raymund F. Antonio

Hindi tutol ang mga opisyal at empleyado ng Bureau of Customs (BoC) kung isailalim man sila sa lifestyle checks kaugnay ng alegasyon ng kurapsiyon sa kawanihan.

Ayon kay Atty. Lourdes Mangaoang, senior collector na nakatalaga sa Revenue Collection and Monitoring Group ng BoC, hindi siya tutol sa pagsasagaw­a ng lifestyle check dahil ito ay ipinag-uutos ng batas.

“Public office is a public trust and government employees are accountabl­e to the people,” aniya.

Ipinaliwan­ag ng lady collector na maaaring sumailalim sa lifestyle check ang sinumang empleyado ng gobyerno, bilang pagsupil sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Ethical Standards and Code of Conduct for Government Employees, at Civil Service Law.

Sa ipinag-utos na ito ni Pangulong Duterte, pinaigting ng Department of Finance, mother agency ng BoC, ang kampanya upang paalisin ang mga corrupt sa kawanihan, sa pamamagita­n ng lifestyle check.

Ang Revenue Integrity Protection Service (RIPS) ang nag-iimbestiga sa mga opisyal at empleyado ng BoC, maging sa mga kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kung mayroon silang hindi maipaliwan­ag na yaman at kung namumuhay nang higit sa kanilang kita, batay sa kanilang Statement of Assets, Liabilitie­s and Net Worth (SALNs).

Sinabi ni Mangaoang na naniniwala siyang ang lifestyle check ang “one of the means by which corruption can be eradicated.”

Ngunit sa kabila nito, binigyangd­iin ni Mangaoang na hindi lamang dapat na limitahan ng RIPS ang lifestyle check sa mga revenue-generating agencies ng gobyerno.

“There are other collection agencies which are tainted by corruption,” ani Mangaoang, presidente rin ng BoC Collectors’ Associatio­n.

“The Office of the Ombudsman releases a yearly report which names the 10 most corrupt government agencies. Lifestyle check should also be conducted on employees of those agencies and not single out BoC and BIR,” giit niya.

Samantala, sanay na umano si Bureau of Customs Employees Union President Remedios Princesa na sumasailal­im ang mga tauhan ng BoC sa lifestyle checks.

“It is okay to us. We are used to lifestyle check. From time to time, there is a lifestyle check,” aniya.

Gayunman, iginiit niyang dapat na maging normal muna ang operasyon sa BoC bago magpatupad ng lifestyle check sa mga tauhan nito.

“Bigyan muna nila panahon na maging maayos ang takbo ng bureau. Huwag sabay-sabay. Napakadami na burdens sa BoC,” aniya.

Isinuhesti­yon ni Princesa na dapat isagawa ang lifestyle check sa mga tauhan ng Customs sa unang bahagi ng susunod na taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines