Balita

Manila City Jail hinalughog sa kontraband­o

- HALUGHOG Mary Ann Santiago

Nagsagawa kahapon ng Oplan Greyhound ang mga awtoridad sa loob ng Manila City Jail ( MCJ) sa Sta. Cruz, Maynila upang matiyak na walang ilegal na aktibidad sa loob ng piitan.

Ayon kay Jail Senior Insp. Jay Rex Joseph Bustinera, tagapagsal­ita ng MCJ, ginawa nila ang operasyon alinsunod sa kautusan ni Gen. Deogracias Tapayan, pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology ( BJMP), katuwang ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Manila Police District (MPD)-Station 3.

Binuwag ng mga awtoridad ang mga kubol sa loob ng piitan at hinalughog ang bawat selda, na nagresulta sa pagkakasam­sam ng mga bote ng alak, ilang pirated CDs ng pornograph­ic materials, bingo cards, deadly weapons tulad ng gunting, matutulis na bagay, drug parapherna­lia, mga sirang bahagi ng bentilador, sinturon, mga tali, pang-ahit, baraha, at iba pang ipinagbaba­wal na bagay, ngunit walang nasamsam na droga.

Nakakumpis­ka rin ang mga awtoridad ng petroleum jelly at heringgily­a.

Ayon naman kay Bustinera, ang hindi lamang sinira sa inspeksiyo­n ay ang kuwarto para sa conjugal visit, ngunit habang may Oplan Linis ay bawal muna ang pagbisita sa mga preso.

Tiniyak din niya na aalamin ng MCJ kung paano naipapasok sa bilangguan ang mga nabanggit na kontraband­o at papanaguti­n ang mga may kinalaman dito.

Nabatid na siksikan sa bilanggo ang MCJ, na mayroong 5,565 nakapiit, gayung ang kapasidad nito ay para lamang sa 1,100 preso.

 ?? MARK BALMORES ?? Masusing sinusuyod kahapon ng mga pulis, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management at Penology at Philippine Drug Enforcemen­t Agency ang bawat selda sa Quezon City Jail para sa Oplan Greyhound, sa paghahanap ng ilegal na droga at iba pang...
MARK BALMORES Masusing sinusuyod kahapon ng mga pulis, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management at Penology at Philippine Drug Enforcemen­t Agency ang bawat selda sa Quezon City Jail para sa Oplan Greyhound, sa paghahanap ng ilegal na droga at iba pang...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines