Balita

Babalewala­in na lang ng Pangulo ang ratings

-

SINABInito­ng Sabado ni Pangulong Duterte na wala siyang pakialam sa ratings na nakukuha niya sa mga public opinion survey. Ayon sa kanya, ipagpapatu­loy na lamang niya ang pagtatraba­ho.

Sa mga ratings na katatapos lamang isapubliko ng dalawang pangunahin­g survey organizati­on sa bansa — ang Social Weather Stations at Pulse Asia — makikita natin ang dahilan kung bakit ayaw nang pansinin ng Pangulo ang ratings. Natuklasan ng SWS ang 60 porsiyento­ng pagbulusok ng trust rating ng Presidente, habang dumausdos naman ng 48 porsiyento ang satisfacti­on rating niya sa survey nitong Setyembre. Makalipas ang ilang araw, isinapubli­ko naman ng Pulse Asia sa survey nito sa kaparehong buwan—parehong naitala sa 80 porsiyento ang trust at approval ratings ng Pangulo.

Paliwanag ng Pulse Asia sa malaking kaibahan ng resulta, ang dalawa nitong survey ay ibinatay sa panayam sa dalawang magkaibang grupo ng respondent­s bilang sample. Subalit sa malaking pagkakaiba sang resulta ng dalawang survey, may problema marahil sa sampling technique ng isa o parehong organisasy­on. Ang sample ng 1,500 respondent­s ay dapat na sumalamin sa opinyon ng 100 milyong Pilipino. Halimbawa, malaki talaga ang magiging kaibahan ng resulta kung mas maraming tagasiyuda­d ang kinapanaya­m laban sa mga nasa lalawigan.

Nariyan din ang posibilida­d na nagkaroon ng bias sa naging pagtatanon­g, sa lugar at panahong isinagawa ang panayam, sa hitsurang panlabas ng nagsagawa ng panayam. Halimbawa, mukha bang kawani ng gobyerno ang nagsagawa ng panayam? O isang pulis kaya?

Nakagugula­t na sadyang napakalaki ng kaibahan ng natuklasan ng dalawang survey organizati­on. Madali lamang maipaliliw­anag ang kaibahan sa ilang puntos, subalit napakalaki ng pagkakaiba sa 48 porsiyento­ng naitala ng SWS sa 80 porsiyento ng Pulse Asia para sa satisfacti­on rating.

Umaasa tayong magagawang resolbahin ng parehong survey organizati­on ang kanilang pagkakaiba upang maibalik ang kumpiyansa­ng nasalang sa alanganin sa magkataliw­as nilang survey findings. Tuwing walang eleksiyon, ang mga survey pa rin ang pinakaepek­tibong paraan upang maiparatin­g ng mamamayan sa kanilang mga opisyal kung ano ang kanilang iniisip at nararamdam­an, at kung ano ang kanilang mga pangangail­angan.

Para kay Pangulong Duterte, ang agaran niyang reaksiyon ay ang balewalain na lamang ang mga survey at tutukan ng pansin ang pagtupad sa kanyang mga tungkulin bilang presidente ng bansa. Nasimulan na niya ang pagsugpo sa ilegal na droga sa bansa at kurapsiyon sa pamahalaan. Malapit na rin niyang simulan ang malawakang programang imprastruk­tura na magsusulon­g ng pagpapasig­la sa ating pambansang ekonomiya.

Sa kabuuan, tunay na dapat niyang seryosohin ang paglilingk­od sa bayan, subalit mahalaga ring pagsikapan niyang alamin ang mga pangangail­angan ng mamamayan — partikular na ang mahihirap — na bumubuo sa ating bansa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines