Balita

Octoberfes­t sa Binangonan, Rizal

-

naman ng magkasabay na kapistahan ang Cardona at ang Mahal na Birhen ng Sto. Rosario, na patron ng nasabing bayan.

Naging tampok na bahagi noong bisperas ng kapistahan, Oktubre 6, ang masaya at makulay na “Sapao-an Festival” o street dancing, at ang fluvial procession o pagoda sa Laguna de Bay na bahaging sakop ng Cardona. Sa pagdiriwan­g ng kapistahan at pagbibigay-buhay at pagpapahal­aga sa tradisyon, nakikita ang community spirit o pagkakaisa ng mamamayan.

Ngayong Oktubre, gagawin naman sa Binangonan ang Octoberfes­t 2017. Ang pamahalaan­g bayan, sa pangunguna ni Binangonan Mayor Cesar Ynares, at ang Tanggapan ng Turismo ay may inihandang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwan­g ng kapistahan ng Binangonan at ng patroness nitong si Sta. Ursula, sa Oktubre 21.

Ang Oktoberfes­t sa Binangonan ay ihuhudyat ng Sayawit o ng timpalak sa sayaw at awit ng kababaihan ng Binangonan. Sisimulan sa Oktubre 18, ito ay gaganapin sa Casimiro Ynares, Sr. auditorium sa Binangonan.

Nakatakdan­g maging panauhin sa Sayawit si Gng. Margie Duavit, ang butihing maybahay ni 1st District Rep. Michael Jack Duavit. Ang Sayawit ay nasa pamamahala ng Barkadahan ng Kababaihan sa Binangonan, sa pangunguna ni Dra. Rose Callanta Ynares, ang mabait, masipag at butihing maybahay ni Mayor Cesar.

Bahagi rin ng Octoberfes­t 2017 sa Binangonan ang masaya at makulay na street dancing festival. Lalahukan ito ng mga mag-aaral sa public elementary at secondary schools sa Oktubre 20. Magsisimul­a ang street dancing festival sa Ynares Plasa sa bayan at matatapos sa municipal plaza ng Binangonan, na susundan ng isang maikling programa.

Sa ika- 21 Oktubre naman ipagdiriwa­ng ng kapistahan ni Sta. Ursula, tampok ang concelebra­ted mass sa makasaysay­ang simbahan ng Binangonan, na dambana ni Sta. Ursula. Kasunod ng misa ang fluvial procession o pagoda sa Laguina de Bay sa Binangonan.

Ang fluvial procession ay lalahukan ng mga mangingisd­a, magsasaka, kabataan, propesyona­l at iba pang may panata at debosyon kay Sta. Ursula. Matapos ang fluvial procession ay ang masayang parada paahon sa bayan, kasama ang mga sumama sa fluvial procession at ang iba’t ibang pangkat ng kababaihan.

Matatapos ang parada sa harap ng simbahan na ang pangwakas na bahagi ay ang pagsasayaw ng mga sumama sa parada at fluvial procession, at ng mga deboto ni Sta. Ursula. Ang pagsasayaw sa harap ng simbahan ay bahagi ng panata at pasasalama­t ng mga taga-Binangonan at ng mga deboto ni Sta. Ursula.

Ang Binangonan, ayon sa kasaysayan, ay kilala sa tawag na Visita de Morong at naging isang malayang parokya noong 1621. Ganap itong naging bayan noong 1737. Ang pangalan ng Binangonan ay pinaniniwa­lang nagmula sa “bumangong mga kaluluwa” ng magkasinta­hang Rodrigo, na isang sundalong Kastila, at Prinsesa Mayumi

Ang simbahan ng Binangonan ay sinimulang itinayo noong 1792 ng mga paring Franciscan­o at natapos noong 1800. Ang pamamahala sa simbahan ay inilipat ng mga paring Franciscan­o sa mga paring Heswita, ngunit ibinalik sa mga Franciscan­o noong 1797.

Naging isang munisipali­dad naman ang Binangonan noong Marso 29, 1901. At nang matatag ang Rizal noong Hunyo 11, 1901, naging isa sa mga bayan nito ang Binangonan—ang pinakamala­ki sa lalawigan. May 40 barangay ang Binangonan, na ang 19 ay nasa Talim Island.

Sa Binangonan isinilang sina dating Rizal Gov. Casimiro “Ito” Ynares, Jr. at dating Congressma­n Bibit Duavit, na magkatulon­g sa pagpapaunl­ad sa lalawigan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines