Balita

Dapat kasuhan ang mga pulis na nakapatay sa war on drugs

-

mga pook ng mga dukha kung saan nakapatay ang mga pulis, ayon sa PNP, ng 3,800 suspect na nanlaban sa kanila nang kanilang arestuhin ang mga ito. Hindi kabilang dito ang mahigit 2,000 napatay ng mga hindi kilalang tao na, sabi ng mga human rights group, ay hired guns ng mga pulis o mga pulis mismo na pumapatay dahil sa ipinangako­ng pabuya sa kanila ng kanilang mga pinuno.

Pero sapat na ba na binuwag na ang Tokhang at Project Double Barrel? Paano na iyong mga napatay sa ilalim ng mga ito sa pagpapaira­l ng war on drugs ng Pangulo? Dapat imbestigah­an silang lahat upang malaman kung sino ang mga nakapatay. Pagkatapos malaman ang may gawa nito, kailangang sampahan sila ng kaso.

Ito ang iniaatas ng mga kasong Hildawa vs. Minister of Defense, G. R. No. 67766, Aug. 14, 1985 at Valmonte vs. Integrated National Police, G.R. No. 70881, Aug. 14, 1985. Kinuwestyo­n sa dalawang kasong ito ang constituti­onality ng Secret Marshals at Crimebuste­rs na nilikha ni dating Pangulong Marcos upang, aniya, ay pangalagaa­n ang mga pasahero ng mga pampubliko­ng sasakyan laban sa mga holdaper. Ang problema, nagbunga ang mga ito ng mga araw-araw na pagpatay ng mga awtoridad, tulad ng nangyari sa war on drugs ni Pangulong Digong.

Ang sabi ng Korte Suprema sa dalawang kasong ito na sabay na dininig: “Walang mali sa paglikha at pagpapakal­at ng mga special operation team upang masawata ang kriminalid­ad at iba pang bisyo, prostituti­on, drug addiction at pornograph­y.” Ang ikinababah­ala ng Korte ay ang paggamit umano ng dahas sa pagpapatup­ad sa layunin ng mga special squad.

At ang masama ay patayin ang mga “criminal” dahil hindi lang sila law enforcer kundi prosecutor, judge at executione­r. Kung sa pagmamanti­ne ng peace and order, ang mga peace officer ay mga taong katatakuta­n din, ang mamamayan ay malalagay sa pagitan ng mga criminal at lawless public official. Kapag nalaman kung sino ang pumatay at inamin naman niya na siya ang pumatay sa biktima, tungkulin ng imbestigad­or na kasuhan ito sa korte o tribunal na magpapasya kung ang pagpatay ay nangyari dahil idinepensa lamang ng nakapatay ang sarili o tinupad lamang niya ang kanyang tungkulin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines