Balita

Ate Guy, sinuportah­an ng mga kapamilya

- --Noel D. Ferrer

ALASSAIS pa lang ng gabi noong Sabado ay napakarami nang tao sa Azucena Hall ng Sampaguita Gardens para sa selebrasyo­n ng ikalimampu­ng anibersary­o ni Nora Aunor. Naroon ang mga miyembro ng fans club ni Ate Guy kasama ang mga kapamilya at kaibigan sa industriya. Dumating sina Maricel Soriano, Edgar Allan Guzman, Glaiza de Castro, Token Lizares, Direk Elwood Perez, Direk Maryo J. delos Reyes, Patricia Javier, Teri Onor, Bernardo Bernardo, Mother Lily Monteverde, Ricky Lee, Kikay and Mika, Mam Yna, Portia Ilagan at Cocoy Laurel.

Hindi man nagpakita si John Rendez nang gabing iyon, sigurado tayong lagi siyang nakasuport­a kay Ate Guy. Magandang gesture din ang pagpunta ng mga anak ng Superstar as represente­d by Ian de Leon and Matet kasama ang kanilang pamilya. Bukod sa pagtatangh­al ng fans at ilang piling kaibigan sa showbiz, nakakamang­ha ang damayan nila sa isa’t isa lalo pa sa initiative ni Ate Guy na lumikom ng pera na siya naman niyang ibinigay sa tatlong pinakamata­tandang kinatawan ng kanyang fans. Sayang at hindi pa natutuloy ang pagpapaope­ra ni Ate Guy ng kanyang throat at vocal chords para magawa na niya ang kanyang dream concert. Pagkakaaba­lahan niya sa mga susunod na araw ang pagdidirek ng pelikulang pagbibidah­an nila ni Paolo Ballestero­s kasama sina Tita Fanny Serrano at Richard Quan.

Wala talagang makakapigi­l sa pagpapalaw­ak ng artistry at cultural contributi­on ng ating People’s National Artist na si Nora Aunor.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines