Balita

Maja, sa Bahay Kalinga nagdiwang ng birthday

- Ni JIMI ESCALA

KUNGsa role niya bilang si Lily Cruz/Ivy Aguas sa seryeng Wildflower ay nagaapoy sa galit si Maja Salvador, sa totong buhay ay ibang-iba ang kapamilyan­g aktres na mas piniling makasama ang matatanda at street children sa kaarawan niya.

Sa Bahay Kalinga nagcelebra­te ng kaarawan si Maja. Bata pa lang daw siya ay mahilig na siya sa mga bata, lola at mga nanay. At ‘yun ang dahilan kung bakit mas gusto niyang makasama ang mga ito sa kanyang kaarawan.

“Mahilig talaga ako sa mga kids, saka sa mga lola, mga tinatawag nating mga nanay natin. Sobrang grateful ako na may mga napapasaya akong tao na kagaya nila,” sey ni Maja.

Para sa kanyang sarili, ang birthday wish ng aktres ay tuluy-tuloy na maayos na kalusugan upang magampanan pa niya ang ibinigay na trabaho sa kanya at marami pa rin siyang mapasayang mga tao.

“Wish ko naman eh, health talaga ‘ yun lang. Sana lang maalagaan ko nang maiigi itong sarili ko. Kumbaga, ‘yung health ko para ‘ yung trababho na ibigay sa akin magawa ko nang maayos at para tuluy-tuloy pa rin na mapasaya ko sila,” sey ng Kapamilya aktres.

Samantala, tinututuka­n ngayon ng buong sambayanan ang grand entrance ng karakter ni Maja Salvador sa Wildflower bilang si Lily Cruz. Kaya all time-record high ang nakuhang ratings ng programa.

Agad ding nag- viral at pinagpista­han ng netizens ang memes ni Lily Cruz.

Ani Maja, ‘yun daw ang best birthday gift na natanggap niya.

“Siyempre, nagtatalon ako sa tuwa at sabi ko nga, eh, ang gandang birthday gift sa akin ‘yun ni God,” seryosong pagtatapos ni Maja.

 ?? Maja ??
Maja

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines