Balita

John Melo, ‘di makalimuta­n ang pagkanta

- —Reggee Bonoan

KAHITwala sa bansa ang 1993 Awit Awardee na si John Melo ay pinatutugt­og na sa mga radio program sa Visayas at Mindanao ang kanyang pamaskong awiting handog sa OFWs na Malapit Na Ang Pasko.

Kamakailan lang ito ini-record ni John sa Amerika pagkatapos sulatin ng multiaward­ed songwriter na si Jimmy Borja at nitong Oktubre lang ini-release sa Pilipinas at agad nagustuhan ang mensahe para sa mga OFW.

Sabi ni John nang maka-chat namin nitong weekend, “As a gift and sense of gratitude for my 25th year anniversar­y in music, alay ko itong Malapit Na Ang Pasko for OFWs and all Filipinos.

“Happy ako kasi excited ang mga kababayan nating Pinoy diyan sa Pilipinas same here in US na OFW naman dahil ‘yung lyrics ng Malapit Na Ang Pasko ay sakto sa kanila kasi nami-miss nila ang loved ones nila diyan sa ‘Pinas.

“Patutugtug­in na ‘yung kanta ko sa Cebu this week at sa Energy FM naman nag-start na rin i-play. Maganda ang feedback, nakakatuwa kasi maski wala ako diyan, naalala ako dahil sa kanta ko.”

Darating ng Pilipinas si John sa unang linggo ng Nobyembre para sa promo ng Malapit Na Ang Pasko bukod pa sa dadalawin niya ang pamilya at makikipagk­ita sa loyalistan­g fans pagkalipas ng 25 years.

Si John ay proud owner ng Gorgeous Smile dental offices sa Newark at San Jose California katuwang ang asawang si

Precilyn Silvestre-Melo at isa rin siyang Real Estate planner sa Keller Williams Realty Danville.

Pangarap ni John na maging paboritong awitin ng Pinoy ang unang Christmas song niya sa tuwing sasapit ang Pasko tulad din ng Christmas In Our

Hearts ng idol niyang si Jose Mari Chan na paborito niyang patutugin.

“Nakakatuwa nga, tawag sa akin dito (San Francisco) OFW King of Ballads kasi kapag may mga show dito at naiimbitah­an, lagi rin naman akong nagpapaunl­ak,” saad ng mang-aawit.

Totoo ang kasabihan, hindi mo talaga makakalimu­tan ang unang pagibig at ganito ang nangyari kay John kahit successful dentist na sa US at real estate broker din. Hindi pa rin niya nakakalimu­tan ang pagkanta.

Sinunod din kasi ni John ang magulang niya na gusto siyang maging dentista kaya tinapos niya ang pag-aaral at dahil may magandang oportunida­d sa Amerika, sinamantal­a niya hanggang sa sinuwerte at nagkaroon ng pamilya.

Aniya, “Ganu’n pala talaga, Reggee ‘pag mahal mo ang isang bagay, babalikan at babalikan mo talaga. ‘Kaso may edad na ako at maraming mga bagong singers na ngayon kaya hindi na ako makikipagc­ompete pa sa kanila, siguro tutulong na lang ako sa mga gustong maging singer na nakikitaan kong puwedeng sumikat, ipagpo-produce ko na lang sila ng album.

“May talent na ako dito, Fil-Am, isang guwapong lalaki at magandang babae, ipo-produce ko sila ng album ‘tapos through social media ang promo ng album total ‘yun naman ang uso ngayon. Pag kinailanga­n nilang umuwi diyan, uuwi kami.”

Samantala, magkakaroo­n ng radio tour si John pag-uwi niya ng Pilipinas sa Nobyembre para pasalamata­n ang lahat ng nagpapatug­tog ng awitin niya. Available na ang Malapit Na Ang

Pasko sa Spotify, Youtube at Facebook account na John Melo o sa website www. johnmeloof­ficial.com.

 ?? John ??
John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines