Balita

Kylie Jenner, nagpahiwat­ig tungkol sa kanyang pagbubunti­s sa Snapchat

- Us Weekly

NAG-POST si Kylie Jenner ng serye ng Snapchat videos nitong Biyernes na ipinakikit­a ang kanyang legs at ang poolside view kasabay ng pagpapahiw­atig tungkol sa kanyang pagbubunti­s.

Sa isa pang post, nakatingin ang bida ng Life of Kylie sa camera, walang makeup, habang nagrerelak­s sa pool. Sa isa pa, umiinom siya sa itim na Solo cup na may caption na, “Nothing’s gonna hurt you baby” na may kasamang shining stars emoji, isang reference sa awitin ng Cigarettes After Sex.

Kalaunan ay ipinakita ni Kylie ang kanya blinged-out watch sa kamay na nakapatong sa kanyang binti.

Nauna nang iniulat ng Us Weekly, ang bituin ng Keeping

Up with the Kardashian­s, na hindi pa nagsasalit­a tungkol sa balita, at ang kanyang rapper boyfriend na si Travis Scott, ay magkakaroo­n na ng baby girl.

Patuloy ang pagbibigay ng lip kit creator, 20, ng mga hint na siya ay buntis, kabilang ang isang Snapchat video na ipinakita niya ang isang baby blue Kylie Jenner iPhone case na napagigitn­aan ng dalawang pink phone cases. Itinago rin ng social media icon, kilala sa paglalanta­d ng kanyang assets, ang kanyang katawan sa mga litrato na in-upload niya kamakailan sa Instagram.

Buntis din ang mga nakatatand­a niyang kapatid na sina Kim Kardashian at Khloé

Kardashian. Isisilang ni Khloé, 33, ang kanyang panganay na anak sa kasintahan­g NBA star na si Tristan Thompson samantalan­g si Kim, 36, ay magkakaroo­n ng ikatlong anak sa asawang si Kanye West sa pamamagita­n ng surrogate.

Sinabi ng isang source sa Us na ang sabay na pagbubunti­s nila ni Khloé ay nagbigay kay Kylie ng “super prepared” feeling.

“They are looking at it like it’s a unifying experience for them as sisters,” sabi ng isa pang source na malapit sa magkapatid, na inaasahang halos sabay na magsisilan­g sa unang bahagi ng susunod na taon. “It was coincident­al, but they couldn’t be more stoked.”

Sa katunayan, nakaalalay ang kanyang sikat na pamilya sa kabuuan ng kanyang pagbubunti­s.

“Kylie was leaning on Kim and (mom) Kris ( Jenner)… and talked through her decisionma­king process regarding moving forward with this pregnancy, having the baby and what she’s going to do,” sabi ng insider.

“They all wanted Kylie to make the decision for herself and to understand this is what it looks like, this is how your life will change, and Kylie gets that,” dagdag nito.

 ?? Kylie ??
Kylie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines