Balita

Harvey Weinstein, pinatalsik sa Academy of Motion Pictures

- Reuters

PINATALSIK­ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences ang producer na si Harvey Weinstein noong Sabado, matapos ang mga alegasyon na pinagsaman­talahan o ginahasa niya ang ilang babae nitong nakaraang tatlong dekada, isang malaking sampal sa Hollywood mogul na kilala sa paggawa ng maraming pelikula at nakasungki­t ng Oscar gold.

Nakasaad sa pahayag ng academy na bumoto ang 54member board of governors “in excess of the required two-thirds majority to immediatel­y expel him from the Academy.”

Wala pang komento ang kinatawan ni Weinstein na si Sallie Hofmeister.

Ang pagpatalsi­k kay Weinstein sa most prestigiou­s organizati­on ng film industry ay kasunod d ng mga alegasyon na iniulat ng The New York Times at The New Yorker ayon sa ilang babae na sila ay minolestiy­a ni Weinstein nstein simula noong 1980s, kabilang ang tatlo na nagsabing sila ay ginahasa.

Itinanggi ni Weinstein, 65, na nagkaroona­roon siya ng nonconsens­ual sex sa sinuman sa mga nag-aakusa. -aakusa.

Sa paglabas ng pahayag sa desisyon syon ny pagpapatal­sik kay Weinstein, sinabibi ng academy na tinitimban­g din nito ang mas malawak na layunin.

“We do so not simply to separatete ourselves from someone who does not merit the respect of his colleagues, but also to send a message that the era of willful ignorance and shameful complicity in sexually predatory behavior and workplace harassment in our industry is over,” saad ng academy. “What’s at issue here is a deeply troubling problem that has no place in our society,” ayon dito. “The board continues to work to establish ethical standards of conduct that all Academy members will be expected to exemplify.” Si Weinstein ay nanalo ng Oscar best picture bilang producer ng Shakespear­e in Love noong 1999. Sinabi ng New York Police Department na iniimbesti­gahan nito ang alegasyon ng sexual assault mula 2004 laban kay Weinstein. Kabilang g sa mga nag-aakusa kay Weinstein si Gwyneth Paltrow,Pa na sinabi sa The New York Times na nakaranas siyas ng sexual harassment kay Weinstein mahigit 20 taon na ang nakalilipa­s. Ayon naman actress at director na si Angelina Jolie, siya ay nagkaroonn­agkaro ng “bad experience with Harvey Weinstein in my youth and as a result chose never to work withw him again.” SinimulanS­inimu na rin ng France ang proseso para tanggalint­angga si Weinstein sa Legion of Honor, ang pinakamata­as na civilian distinctio­n ngn naturang banda, pahayag ng opisina nin President Emmanuel Macron nitong Sabado.S Noong nakaraang linggo, sinuspinde si Weinstein sa British film academy o BAFTA.

 ?? Harvey ??
Harvey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines