Balita

TAMBULISLI­S

- Ika-50 labas R.V. VILLANUEVA

“PARE,hindi ko rin alam kung bakit mas masarap ang luto ko sa iba kahit gumamit kami ng parehong sangkap at sahog,” paliwanag ni Mang Edgardo. “Siguro, totoo ang kasabihang kapag nasa ginagawa ang puso at isip ng isang tao, nagtatagum­pay!”

“Totoong-totoo ‘yun, pare,” sagot ni Mang Edgardo. “Saktongsak­to ang paliwanag mo, kaya kung sumunod ka sa Metro Manila at nag-aplay sa abroad bilang cook, mayaman ka na!”

“Kaya lang may malaking problema, kung ginawa ko ‘yun, pareng Daniel,” wika ni Mang Edgardo.

“Anong problema, pare?” sagot ni Mang Daniel.

“Wala akong diploma sa pagluluto,” sagot ni Mang Edgardo. “Tiyak na sa pag-aaplay ko sa abroad, hahanapin ang bagay na ‘yun bago ako tanggapin!”

“Walang problema sa bagay na ‘yun, pare,” sagot ni Mang Daniel. “May kaibigan ako at kakilalang puwedeng lumutas sa problemang ‘yan. Puwede silang makakuha ng patunay sa malaki at sikat na hotel na cook ka doon!”

“Kaya lang, bukod sa hindi ko talaga gustong mag-abroad, may

Malaking problemang tiyak na magaganap sa lupa mo, kung nawalan ng nakatira,” wika niMang Edgardo.

“Anong problema?” Tanong ni Mang Daniel.

At sinabi ni Mang Edgardo ang pangamba at hinalang naglalaro sa isip batay sa nangyari sa lupa ng kanilang pamilyang sinadyang sakupin ni Don Andres sa mapanlinla­ng na paraan. Bagama’t sinang-ayunan ni Mang Daniel ang sinabi ng kababata at matalik na kaibigan, hindi siya nagbitiw ng salitang komokonden­a sa ginawa ng pinakamaya­mang tao sa kanilang bayan.

Hindi na bago kay Mang Edgardo ang ginawa ng nagbalikba­rangay na kababata at matalik na kaibigan dahil kahit nasa barangay pa si Mang Daniel ng maganap ang karumal-dumal na krimensa kaniyang mag-ina, piniling manahimik. Kabilang sa dahilang nasa isipan niya ang pag-iingat ng kumpareng madamay sa galit ni Don Andres kapag kinondena ang ginawa sa pamilya ng kababata at matalik na kaibigan.

“Puwedeng mangyari ang pangamba at hinalang mong ‘yun, pare,” wika ni Mang Daniel. “Dahil hanggang ngayon si Don Andres pa rin ang pinakamaya­man at pinakamaka­pangyariha­ng tao dito sa ating bayan!”

“At hindi lang ‘yun ang puwedeng mangyari sa lupa mo, pareng Daniel,” wika ni Mang Edgardo. “Puwedeng putulin ng mga tao ang mga punong niyog sa lupa mo at ipagbiling coco lumber!”

“Pare, may ganoon na bang nangyari sa mga punong niyog na iniwan ng may-ari dito sa ating barangay?” Tanong ni Mang Daniel.

“Pare, marami ng ganoong pangyayari dito sa ating barangay,”

sagot ni Mang Edgardo. “Alam mo naman ang mga tao kapag nagigipit, kahit sa patalim kumakapit!”

“Kung gayon, tama ang desisyon kong patirahin kita sa lupa ko,” wika ni Mang Daniel. “Bukod sa nagkaroon ka ng pagkikitaa­n, napangalag­aan ang mga punong niyog na nakatanim dito!”

“Tama talaga, pareng Daniel,” sagot ni Mang Edgardo. “Dahil kung hindi mo ako ginawang katiwala, paliparan na ng saranggola ng mga bata ang lupang ito kapag tagaraw!”

Dahil mahigit dalawampun­g taong hindi nagkita at nagkausap, habang nagluluto, patuloy sa balitaan at kuwentuhan sina Mang Edgardo at Mang Daniel sa iba’t-ibang pangyayari­ng naganap sa kanilang barangay.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines