Balita

Ateneo tankers, sumisid ng ‘double V’

-

NANAIG ang karanasan sa tropa ng Ateneo para makumpleto ang four-peat sa men’s division, habang bagong bayani ang lumarga sa women’s team para makumpleto ang double victory sa UAAP Season 80 swimming championsh­ips nitong Linggo sa Rizal Memorial pool.

Pinangunah­an ni two- time Olympian Jessie Khing Lacuna ang Blue Eagles sa nakopong 567 puntos para makamit ang ikalimang titulo sa swimming competitio­n.

Bumuntot ang De La Salle na may 328 puntos, habang pangatlo ang University of the Philippine­s na may 191 puntos.

Tangan ang pitong gintong medalya, nakamit ni Lacuna ang ikatlong MVP award, habang tinanghal na Rookie of the Year ang kasanggang si Miguel Barlisan na may dalawang ginto, isang silver at isang bronze.

Sinandigan naman ng bagitong si Chloe Daos ang women’s squad sa nakamit na anim na ginto at isang silver medal para tanghaling Rookie of the Year at MVP.

Tangan ang apat na titulo, umayuda ang Lady Eagles sa huling araw ng kompetisyo­n para daigin ang Lady Maroons, may 46 puntos ang layo sa Ateneo.

Napanatili naman ng De La Salle- Zobel at UST ang kampeonato sa boys at girls division.

Winalis ng Muntinlupa-based tankers ang MVP awards nang tanghaling top player sina Sacho Ilustre at Nikki Pamintuan, habang sina Terence Delvo ng University of the East at Maria Consuelo Neri ng UP Integrated School ang top rookies.

 ??  ?? UAAP CHAMP! Tangan ang kanilang mga medalya, nadomina ng Ateneo ang men’s at women’s division ng UAAP Season 80 swimming competitio­n sa Rizal Memorial pool.
UAAP CHAMP! Tangan ang kanilang mga medalya, nadomina ng Ateneo ang men’s at women’s division ng UAAP Season 80 swimming competitio­n sa Rizal Memorial pool.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines