Balita

Arnaiz: ‘Never Say Die’ buhay sa Kings

- Ni ERNEST HERNANDEZ TOYOTA’S PRIDE!

BAHAGI ng pamosong ‘never say die’ motto si PBA Hall of Famer Francis Arnaiz. Mahigit dalawang dekada ang nakalipas, nananatili­ng buhay ang kawikaan sa Ginebra San Miguel at nasaksihan niya mismo ang kiliti sa damdamin ng mga tagahanga.

Hindi naitago ni “Mr. Clutch”, bansag kay Arnaiz sa kanyang kapanahuna­n ang kasiyahan nang makita ang pagdiriwan­g ng mga tagahanga -- hindi bumitaw sa koponan mula noon hanggang ngayon – matapos magwagi ang Kings sa Game 2 ng 2017 PBA Governors Cup Finals.

“Absolutely,” pahayag ni Arnaiz patungkol sa pagkakapar­eho ng sitwasyon dala ng “Never Say Die” attitude ng mga kasalukuya­ng player ng Ginebra.

“Ang nag umpisa niyan si Jaworski. It all started when we joined Ginebra. It is unbelievab­le that the fans are still there. Grabe! Home court advantage parati ang Ginebra. It seems lahat ng tao sa kanila,” sambit ni Arnaiz, isa sa pinamahusa­y at sikat na point guard sa liga sa dekada 70 hanggang 80. “Surprised? I’m not sure. I am just happy that Senator (Robert) Jaworski started it all,” aniya.

Pambato ng Toyota hanggang sa mabuwag ang prangkisa noong 1984, muling nagkasama sina Arnaiz at Jaworski sa Gilbey’s Gin (tanyag ngayon bilang Ginebra). Tumagal ng hanggang tatlong taon ang tambalan nila ni Jaworski sa Gins bago siya nagdesisyo­n na magretiro.

Gayunman, sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga pagsubok na kanilang sinuong at napagtagum­payan dahil sa “Never Say Die” attitude. At ngayon, napanatili ito ng bagong henerasyon ng Gin Kings.

“Ganito lang ‘yan eh. There are a lot of things you cannot foresee in the game. You don’t know sino mananalo. The only thing you can control in the game is effort,” pahayag ni Arnaiz.

“Yun lang eh. I see that in this team. They are ‘Never Say Die’—they still have it.”

Sa kanyang career sa PBA, nakamit ni Arnaiz ang siyam na PBA championsh­ip, ngunit ang karibalan ng Toyota at Crispa ang tunay na nagdala sa kanyang pangalan sa bawat tahanan ng Pinoy cage fans.

Sa kanyang maiksing bakasyon sa bansa, sinabi ni Arnaiz na plano niyang makapanood pa ng mga laro sa Finals. At naniniwala siya na ang Game 3 ang pinakaimpo­rtanteng yugto sa best-of-seven finals.

“In the best- of- seven, the most important is the Game 3. Pag nanalo ng Game 3 ‘yan, the chances are it’s over. If they lose Game 3, it is 2- 1… malapit na masyado,” pahayag ni Arnaiz. “Meralco is a very good team also. It could have gone either way tonight.”

Maging si Jaworski ay naniniwala na hindi pa sigurado ang tsansa ng Ginebra sa kabila ng 2-0 bentahe sa Meralco.

“It is not over until it is over but they got to do it,” pahayag ni Jaworski. “You only win it by going together and working hard. That’s it! No secret to tell.”

 ?? RIO DELUVIO ?? Nagpaunlak sa selfie photo ng tagahanga sina basketball legend Robert ‘The Big J’ Jaworski at Franci ‘Mr. Clucth’ Arnaiz sa halftime break ng laro ng Ginebra at Meralco sa Game 2 nitong Linggo sa Araneta Coliseum.
RIO DELUVIO Nagpaunlak sa selfie photo ng tagahanga sina basketball legend Robert ‘The Big J’ Jaworski at Franci ‘Mr. Clucth’ Arnaiz sa halftime break ng laro ng Ginebra at Meralco sa Game 2 nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines