Balita

Philracom, wagi sa takilya ngayon season

-

UNTI- UNTI nang inaani ng Philippine Racing Commission ( Philracom) ang itinanim na mga programa, tampok ang pagiging miyembro ng Internatio­nal Federation of Horseracin­g Authoritie­s (IFHA).

Nalagpasan ng ahensiya ang mababang racing revenues sa nakalipas na tatlong taon sa kahanga-hangang pagsirit sa takilya sa dagdag na koleksyon na P8 milyon sa loob lamang ng siyam na buwan.

Sa datos nitong October 11, 2017, umakyat ang horse-racing revenues sa P8,002,595 (0.14%) mula sa P5,653,542,572 noong 2015 at P5,645,539,977 sa huling quarters ng naturang taon.

“This is very significan­t considerin­g the dwindling revenues the past three years. The Philracom not only arrested the free fall, it also bettered last year’s revenues with less racing days at that,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

“The figure is still bound to increase further as we still have the big races coming in the last two months, like the Amb. Danding Cojuangco Cup, Chairman’s Cup, Presidenti­al Gold Cup, Philracom Juvenile Championsh­ip and the MARHO and Philtobo Racing Days to name a few,” aniya.

Markado rin sa Philracom ang P22,170,755 average sales kada araw ng karera sa taong 2017 para sa napakalaki­ng paglago sa kinita mula sa P21,303,924 average sales sa nakalipas na taon.

Ang P2,510,454 average sales kada karera ngayong taon ay malaki ring pag- angat sa P2,450,321. average noong 2016.

“Increasing our prizes and implementi­ng a new rating-based handicappi­ng system as a result of our recent membership with IFHA, together with our marketing campaign have contribute­d to the steady increase in racing revenues,” sambit ni Sanchez, patungkol sa isinulong ng commission na ihalintula­d ang programa ng Philracom sa IFHA na klaro ang misyon para mapalakas ang kalidad ng mga karera.

Nitong nakalipas na buwan, pormal na isinulong ng Philracom ang ratingbase­d handicappi­ng system batay sa panuntunan ng IFHA, sa tulong ni Iternation­al expert Michael Wanklin.

Ito ang ikatlong pagkakataa­on ngayong taon na nagdala ang Philracom sa bansa nang mga experts sa horceracin­g management.

Nitong April, dumating sa bansa si Japanese Racing Associatio­n Facilities Co. LTD. Director Kazuhiro Youfu at JRA Facilities Co. LTD. na pinanganga­siwaan ni Adviser Sadamichi Imabayash.

Nitong Setyembre, itinas ng Philracom ang kalidad sa pambatong racetracks , habang nag-host ang Commission sa internatio­nal racing consultant Ciaran Kennelly.

“Racing aficionado­s are now more confident to place their bets in our races because of the innovation­s that we are now implementi­ng,” sambit ni Sanchez.

Samantala, inilabas ng Philracom ang nominasyon para sa lalarga sa 2017 Philracom Sampaguita Races sa Oct. 22 sa Saddle & Clubs Leisure Park, Naic Cavite na may distansiya­ng 1,800 meters.

Ang mga entries ay Heiress of Hope at Song of Songs ni wwner Banjamin C. Abalos Jr. at trainers Melvin R. Villegas Ruben Tupas; Marinx nina Narciso O. Morales at Nelson A. Lorica; Pinay Pharaoh ni Herminio S. Esguerra at Tupas; Pradera Verde ni Dennis G. Pineda at Tupas; at Trust My Luck na pagmamay-ari ni Christian Daniel L. Velasco at trainer Jose Mario Paulo S. Jacob.

May kabuuang P2 millyon ang naghihinta­y sa karera tampok ang P1.2 milyon sa mananalo at P450,000 sa runner-up. Magbibigay din ng breeder’s purse na P70,000.

 ??  ?? SCOTTIE BABY! Napatingin na lamang ang Meralco Bolts, sa pangunguna ni import Allen Durham, nang umere para sa lay-up si Ginebra guard Scottie Thompon sa kaagahan ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Governors Cup best-of-seven finals. Tangan ng Kings ang...
SCOTTIE BABY! Napatingin na lamang ang Meralco Bolts, sa pangunguna ni import Allen Durham, nang umere para sa lay-up si Ginebra guard Scottie Thompon sa kaagahan ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Governors Cup best-of-seven finals. Tangan ng Kings ang...
 ?? SANCHEZ ??
SANCHEZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines