Balita

IWAS SA KUMUNOY

Letran at Arellano, asam ang playoff sa NCAA cage tilt

- Marivic Awitan RIO DELUVIO

8 am EAC vs. Perpetual (jrs) 10 am Mapua vs. Arellano (jrs) 12 pm EAC vs. Perpetual (srs) 2 pm Mapua vs. Arellano (srs) 4 pm Letran vs. St. Benilde (srs) 6 pm Letran vs. St. Benilde (jrs)

BAWAL kumurap. Walang dapat masayang na sandali para sa Arellano University at Letran.

Patatatagi­n ng Chiefs at Knights ang katayuan para sa playoff sa nalalabing Final Four slots sa pakikipagt­uos sa kapwa sibak nang karibal sa penultimat­e date ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan City.

Mauunang sasalang ang last season runner up Chiefs sa ikalawang laban ganap na 2: 00 ng hapon kontra sa Mapua University Cardinals matapos ang unang salpukan ganap na 12:00 ng tanghali na isang no bearing match sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College at University of Perpetual Help.

Sasalang naman ang Knights sa tampok na seniors match ganap na 4:00 ng hapon kontra sa sibak ng College of St. Benilde Blazers.

Kasalukuya­ng nasa three-way tie sa 4th spot at nag-aagawan sa huling Final Four berth ang Chiefs at ang Knights kasama ng season host San Sebastian College Stags taglay ang barahang 8-9.

Huling laro ng San Sebastian ang Mapua Cardinals sa Huwebes.

At kung magwawagi rin ang Stags, magtatapos na three-way tie sa ika-apat na posisyon. Maghaharap sa isang knockout game ang dalawang koponan na may mas mababang quotient at ang mananalo ay lalaban sa team na may pinakamata­as na quotient para makamit ang pang apat na semifinals berth.

Magtatangk­a ang Chiefs na maulit ang 91- 82 panalo kontra Cardinals noong opening day habang babawi naman ang huli upang makaiwas na muling tumapos na kulelat ngayong taon.

“As I keep saying, we have to step up and find ways to fill that void,” sambit ni Arellano coach Jerry Codinera.

Hangad din ng Knights na duplikahin ang 92-76 na tagumpay kontra Blazers na ayaw ding tumapos na pinakahuli ngayong season sa Laban nila noong nakaraang Agosto 3 sa Letran gym.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines