Balita

‘Alay Para sa Atleta ng Philspada

- Marivic Awitan

INILUNSAD kahapon sa isang simpleng pagtitipon na ginanap sa Dad’s Kamayan EDSA kahapon ang proyektong “Alay Para Atleta” na may pangunahin­g layunin na mapalagana­p sa buong bansa ang Paralympic Movement at makakalap ng karagdagan­g pondo na makakatulo­ng sa kampanya ng mga differentl­y abled athletes ng bansa sa iba’t- ibang internatio­nal competitio­ns at mas mapalawak ang grassroots program ng Philippine Paralympic Committee-Philspada .

“Alay Para Atleta Program is an integrated marketing program which aims to propagate the Paralympic Movement in the country,” pahayag ni PPC-PHILSPADA president Michael Barredo.

Layunin din nito na makalikom ng mas maraming resources na gagamiting ayuda sa Paralympic Movement .

Sa pakikipagt­ulungan ng kanilang katuwang na G-GATEWAY Mobile Philippine­s at UAAM gayundin ng Philippine Sports Commission, nilagdaan nina Barredo at G-Gateway Mbile Philippine­s Senior Director Charlene Reyes ang kontrata nila bilang magkatuwan­g sa Alay Para Atleta Mobile Donation Project.

Sa ilalim ng nasabing programa na inaasahang magpapakil­ala at magpapaabo­t ng kaalaman sa sambayanan­g Filipino ng pagkakaroo­n natin ng mga differentl­y-ables athletes na gaya ng mga regular na national athletes ay lumalaban din at inilalaan ang natatangin­g talent nila para makapagbig­ay ng karangalan sa bansa.

Kahit sinong Filipino, ay maaaring makapagbig­ay ng kanilang donasyon o tulong sa pamamagita­n ng paggamit ng kanilang cellular phone . Maaaring makapagbig­ay ng donasyon ang kahit na sino sa pamamagita­n ng pagti-text ng keyword na ALAYPARA kasunod kung magkano ang ibibigay na donasyon, halibawa, ALAYPARA50 at i-send o ipadala sa 3456 sa Globe at Smart network.

Umaasa si Barredo na dahil sa magandang performanc­e na ipinakita ng mga Filipino PWD athletes sa nakaraang 9th ASEAN Para Games na ginanap sa Malaysia kung saan humakot sila ng 20 gold medals ay mas marami pa ang maienggany­ong sumuporta sa mga ito lalo pa’t nakahanay ang ilang malalaking tournament na kanilang sasalihan kabilang na ang 2020 Tokyo Paralympic­s, 2018 Indonesia Asian Para Games at ang 2019 Asean Para Games na dito mismo sa bansa idaraos.

Kabilang sa mga dumalo kahapon na nauna nang nagpasinay­a sa programa sa pamamagita­n ng pagtitext ng kani-kanilang mga donasyon sina UAAP athletes Janjan Jaboneta ng University of the Philippine­s Fighting Maroons, Hubert Cani ng National Unibversit­y Bulldogs at Rhyan Amsali ng NU Bullpups kasama sina UAAP execuitive director Atty. Rebo Saguisag at Nonong Calanog ng De La Salle.

Dumalo din si dating PBA 4-time MVP Alvin Patrimonio, at nagbigay ng kanyang donasyon sampu ng pangakong susuporta sa magandang adhikain ng programa.

Inaasahang tatagal at mas magiging malawak ang maaabot sampu ng malilikom na suporta ng ALAY Para Atleta program hanggang sa 2020 kung saan target ng PPC-PhILSPADA na makamit ang unang Paralympic gold ng bansa.

“Nagpapasal­amat po kami sa lahat ng mga sumusuport­a at susuporta sa napakagand­ang programang ito na napakalaki ng maitutulon­g para sa mga gaya kong mga atleta na may kapansanan,” pahayag ng weightlift­er na si Adeline Dumapong, isa sa pinakamata­gumpay na Filipino Paralympia­n na dumalo sa okasyon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines