Balita

Barbie at Ken, exempted sa talak ni Joel Lamangan

- Ni REGGEE BONOAN

SINORPRESA ni Ken Chan ng harana ng awiting Born For You si Barbie Forteza bago nagsimula ang presscon ng kanilang pelikulang This Time I’ll Be Sweeter sabay bigay ng bouquet of flowers.

Maayos kumanta si Ken kaya tinanong namin kung boses ba niya talaga iyon o lipsynch lang, he-he-he. Ito ang napapala ng kakapanood ng I Can See Your Voice.

Nagulat si Barbie dahil ang paalam ng leading man niya ay pupunta ng banyo pero natagalan kaya nag-alala siya, ‘yun pala may paandar ang aktor.

Natuwa ang dalaga sa magandang mensahe sa kanya ng ka- love team hindi lang sa This Time I’ll Be Sweeter kundi pati sa serye nila sa GMA-7.

Malakas ang chemistry nina Ken at Barbie kahit hindi sila magkarelas­yon dahil may kanya-kanya silang love life.

Kuwento nga ni Direk Joel Lamangan, napakaprop­esyunal ng dalawa kaya first time na hindi siya nagalit sa set.

“Mahusay na mga artista sila, I’m so proud lahat ng nandito wala akong itulakkabi­gin at wala akong napagalita­n, ito lamang ang pelikulang wala akong napagalita­n, wala akong nasigawan hindi dahil siguro takot sila kundi dahil mahuhusay sila, dahil prepared sila sa anumang (gagawin), dahil on time sila, walang nali-late rito, may respeto sila sa trabaho nila, may respeto sila propesyong pinili nila.

“Maaga pa lang, mahusay na ang training nila, nakikita natin ang isang magandang kinabukasa­n sa kanila sa industriya ng pelikulang Pilipino,” say ni Direk Joel. Napakarami­ng nagagandah­an sa trailer ng

This Time I’ll Be Sweeter kaya tinanong si Direk Joel kung may bago siyang cinematogr­apher na napakaayos ng pag-iilaw at glossy. Binanggit niya na si Phillip So ang kanyang director of photograph­y. (Interbyuhi­n natin siya, Reggee. Maayos ang trabaho niya. --Editor) Mapapanood na ang This Time I’ll Be Sweeter sa Nobyembre 8 mula sa Regal Multi Media, Inc. Kasama nina Barbie at Ken sa cast sina Kim Rodriguez, Hiro Peralta, Fiona Yang, Kaki Ramirez, Akihiro Blanco, Jai Agpangan, Yayo Aguila, Neil Ryan Sese, Jon Leo, Rey Abellana at Ara Mina.

 ??  ??
 ??  ?? Barbie at Ken
Barbie at Ken

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines