Balita

Marian, ipinagtang­gol si Cristine sa maling tsismis

- Ni NORA CALDERON

SUNUD-SUNOD ang blessings na dumarating kay Marian Rivera, sa family life, sa endorsemen­ts, at higit sa lahat sa patuloy na pagtaas ng rating ng Super Ma’am.

Pinupuri siya ng lahat ng sumusubayb­ay kanyang primetime drama-fantasy kapag nakikita siya dahil hindi raw nila ini-expect na kakayanin niya ang mahihirap na eksenang ginagawa niya, lalo na kapag siya na si Super Ma’am.

“Labis ang pasasalama­t ko sa mga sumusubayb­ay sa amin, kaya naman hanggang kaya ko ako talaga ang gumaganap sa eksena, hindi ako nagpapagam­it ng double, at ini-enjoy ko naman ang ginagawa ko,” kuwento ni Marian. “Saka ang sarap magtrabaho kung maganda ang samahan ninyo. Kaya love na love ko ang mga kasama ko, sina Ninang Helen ( Gamboa), si

Carmina ( Villarroel, na agad nang namatay ang character na inaasahan pala ng viewers na makaka-love team ni Al Tantay), si Jackie Lou Blanco at ang mga baguhang kasama ko, ang leading man kong si Matthias Rhoads na natutuwa ako kasi talagang nagaaral na siyang magsalita ng Tagalog, si

Jerald Napoles na komedyante namin sa set. Mga profession­als din ang mga kabataang kasama ko sa serye.”

Ini-enjoy din ni Marian at ng iba pang cast ang weekend out-of-town shows nila to promote their series.

“Bukod kasi na nakararati­ng ako sa iba’t ibang lugar, ang sarap ng feeling na personal mong nakakausap ang mga taong sumusubayb­ay sa iyo gabi-gabi.”

Pero recently, may mga bashings ng fans na nakarating kay Marian sa social media tungkol sa pang- iisnab daw sa kanya ni Cristine Reyes noong umattend siya ng premiere night ng Seven Sundays, pelikula ng asawang si Dingdong Dantes kasama sina Aga Muhlach, Cristine, Ronaldo Valdez at Enrique Gil.

“Hindi totoo na inisnab ako ni Cristine,” mabilis na pagtatangg­ol ni Marian kay Cristine. “Hindi lang siguro nakita sa video o nakunan ng picture pero lumapit at nagbeso sa akin si Cristine. Bakit naman ako iisnabin ni Cristine, magkaibiga­n naman kami noon pa? Natuwa nga ako nang gabing ‘yon dahil na-meet ko nang personal si Ate Charlene ( Gonzales) dahil kasama siya ni Kuya Aga. Na-meet ko rin si Liza Soberano na marami nang nagsasabi sa akin na beauty siya. Kaya sana wala na lang mga ganoong intriga dahil hindi naman totoo.”

May Instagram post nga pala si Charlene, after ng premiere night na, “@ marianrive­ra, hoping to be neighbours soon?” Sinagot ito ni Marian ng, “Awww, ateeeee, hahaha! Muah!”

Sina Aga at Charlene ay nasa Ayala Alabang, ibig bang sabihin ay doon din nagpapatay­o ng bahay sina Dingdong at Marian?

 ??  ??
 ??  ?? Cristine
Cristine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines