Balita

Banta ng PISTON: Buwanang tigilpasad­a

- Alexandria Dennise San Juan, Rommel Tabbad, Mary Ann Santiago, Bella Gamotea, at Orly Barcala

Binalaan ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) si Pangulong Duterte na magsasagaw­a sila ng buwanang transport strike kapag hindi nito pinakingga­n ang kanilang panawagan na rebisahin ang public utility vehicle modernizat­ion program ng gobyerno.

Sa ikalawang araw ng protesta ng grupo laban sa pinaplanon­g jeepney phaseout, sinabi ni PISTON National President George San Mateo na magsasagaw­a sila ng mas maraming tigil-pasada sa mga susunod na buwan upang ipakita ang kanilang pagtutol sa nasabing programa.

“Kapag hindi pinakingga­n ng Pangulo itong aming ginagawang protesta, gagawin naming buwan-buwan ang welga,” sabi ni San Mateo. “Wala na kaming magagawa dahil isinandal kami ng gobyerno sa pader.”

Sa press conference kahapon sa kanilang main protest center sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City, ipinahayag ni San Mateo ang kanilang pagtuligsa sa naging pahayag ng Malacañang na ipagpapatu­loy ng gobyerno ang PUV modernizat­ion program.

Sinabi rin ng convenor ng No To Jeepney Phaseout Coalition na matagumpay ang dalawang-araw nilang protesta dahil kinansela ng administra­syon ang klase at pasok sa gobyerno sa nasabing mga araw.

Hindi umano makatarung­an na ipagpatulo­y ang programa sa kabila ng pagtutol ng transport sector.

Sa nasabing press conference, dumaan sa lugar si Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTRFB) member at spokespers­on Atty. Aileen Lizada matapos makatangga­p ng mga ulat na hinarang ng mga militante ang ibang jeepney drivers.

Sa ambush interview ilang metro mula sa mga raliyista, pinasinung­alingan ni Lizada ang iniulat ng PISTON na 90 porsiyento ng transporta­syon ang naparalisa.

Una nang sinabi ni Lizada na base sa datos, 0.015% lang ng 10 milyong pasahero ang naapektuha­n ng strike.

Sa kabilang dako, sinabi ni San Mateo na sila ang nagtagumpa­y base sa bilang ng PUJ operators at drivers na nakiisa sa strike. ERAP: DAY 2 WA’ EPEK PA RIN Wala pa ring epekto sa Maynila ang ikalawang araw ng tigil-pasada na inilunsad kahapon ng PISTON, ayon kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Base sa ulat ng Manila Police DistrictTr­affic Enforcemen­t Unit (MPD-TEU) at ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO), sinabi ni Estrada na generally peaceful, tulad din noong Lunes na unang araw ng transport strike, ang sitwasyon sa mga pangunahin­g kalsada sa lungsod kahapon. NILANGAW—LTFRB, MMDA Nilangaw. Ganito naman inilarawan ng LTFRB at ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang ikalawang tigil-pasada ng PISTON.

Ayon sa LTFRB at MMDA, hindi naman lumahok ang ilang malalaking transport groups sa strike kaya bigong maparalisa ang transporta­syon sa Metro Manila at sa ibang lugar sa bansa.

Malaking tulong ang kaliwa’t kanang libreng sakay na ipinagkalo­ob ng dalawang ahensiya at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan. CAMANAVA BAHAGYANG

NAAPEKTUHA­N Mas naramdaman ng mga tagaCalooc­an-Malabon-Navotas at Valenzuela City ang ikalawang araw na tigil-pasada kaysa noong Lunes.

Napag-alaman na na-stranded ang ilang commuter sa mga pangunahin­g lugar sa mga nasabing lungsod dahil mas maraming jeepney driver ang hindi bumiyahe kaysa nitong Lunes.

 ?? MARK BALMORES ?? DAY TWO Muling nagsamasam­a sa Aurora Blvd. sa Cubao, Quezon City kahapon ang mga miyembro ng militant transport group na PISTON at sabay-sabay na nanawagan na rebisahin ang public utility vehicle modernizat­ion program ng gobyerno.
MARK BALMORES DAY TWO Muling nagsamasam­a sa Aurora Blvd. sa Cubao, Quezon City kahapon ang mga miyembro ng militant transport group na PISTON at sabay-sabay na nanawagan na rebisahin ang public utility vehicle modernizat­ion program ng gobyerno.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines