Balita

NDRRMC nakaalerto sa bagyong ‘Paolo’

- Francis T. Wakefield

Inalerto ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ( NDRRMC) ang kinauukula­ng Regional and Local Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Councils nito na maagang maghanda sa posibleng pagtama ng bagyong “Paolo” at ng isa pang low pressure area (LPA).

Kahapon ng umaga, nagtipon ang NDRRMC para sa Emergency Response Preparedne­ss (ERP) meeting sa NDRRM Operations Center sa Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City bilang paghahanda sa posibleng epekto ng dalawang weather disturbanc­es.

Pinamunuan ni Office of Civil Defense (OCD) Operations Service Director Rodrigo T. Diapana ang pagpupulon­g na dinaluhan ng mga kasaping ahensiya kabilang ang Department of Science and Technology-Philippine Athmospher­ic, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion ( DOSTPAGASA), Department of the Interior and Local Government ( DILG), Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD), Department of Transporta­tion (DOTr), Armed Forces of the Philippine­s ( AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG).

Hinihikaya­t ni NDRRMC spokespers­on Romina Marasigan ang lahat na maghanda at magsagawa ng precaution­ary measures kung kinakailan­gan.

“The public is advised to stay alert and monitor the prevailing weather systems via television, radio and social media. Heed advisories of your local officials on evacuation, when necessary,” ani Marasigan.

Iniulat ng PAGASA na dakong 11 p.m. nitong Lunes, ang bagyo na may internatio­nal na name na “Lan” ay pumasok sa Philippine Area of Responsibi­lity ( PAR) at pinangalan­ang “Paolo.”

Ang bagyong Paolo ay nasa 940 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar na may lakas ng hangin na umaabot sa 80 kph malapit sa sentro at bugsong umaabot sa 95 kph. Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 11kph.

Inaasahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa loob ng 425 km diameter ng bagyo, partikular sa Eastern Visayas. Tinatayang tatama at lalabas sa PAR ang bagyong “Paolo” sa Linggo.

Isa pang weather system ang namataan, may 165 km sa kanluran ng Coron, Palawan at maaaring maging bagyo pagsapit ng Huwebes. Magdudulot ito ng mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao, Northern Luzon at Bicol region, Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines