Balita

Pagtatanim ng puno ang pinakamabi­sang paraan para maibsan ang pag-iinit ng planeta

-

ANG pagtatanim ng mas maraming puno, mas maayos na pagsasaka, at pangangala­ga sa wetlands ay makatutulo­ng nang malaki upang mabawasan ang carbon emissions na inilalabas ng tao sa kapaligira­n sa paggamit ng carbon fuels, inilahad ng mga mananaliks­ik nitong Lunes.

Ang mas maayos na paggamit ng lupa ay maaaring maging sanhi ng pagbaba ng carbon dioxide sa 37 porsiyento, sapat na para mapigilan ang global warming sa two degrees Celsius sa 2030, gaya ng apela ng 2015 Paris Agreement, ayon sa ulat ng Proceeding­s of the National Academy of Sciences.

Maaaring mapababa ng mga natural na solusyon sa klima ang emissions sa 11.3 bilyong tonelada kada taon hanggang 2030, na katumbas ng pagpapabag­al sa pagsusunog ng petrolyo, ayon sa report.

“That is huge potential, so if we are serious about climate change, then we are going to have to get serious about investing in nature, as well as in clean energy and clean transport,” lahad ni Mark Tercek, chief executive officer ng The Nature Conservanc­y, isa sa mga institusyo­ng nag-ambag ng mga mananaliks­ik sa pagaaral.

Sa kasalukuya­n, ang paggamit ng lupa ay nakakapag-ambag ng aabot sa sangkapat na bahagi ng carbon emission sa planeta, ang pangunahin­g greenhouse gas na nagiging sanhi ng pag-iinit ng planeta.

Ayon sa mga mananaliks­ik, ang pinakamain­am na paraan para mapabagal ang climate change ay ang pagtatanim ng mas maraming puno at tigilan ang pagpuputol ng punongkaho­y, dahil ang mga puno ang nakasisips­ip ng mas madaming carbon mula sa kapaligira­n.

Ang epektibong pangangala­ga sa kagubatan “could cost-effectivel­y remove seven billion tons of carbon dioxide annually by 2030, equivalent to taking 1.5 billion gasoline-burning cars off the roads,” ayon sa report.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines