Balita

Bautista, handang magbitiw

- Bert de Guzman

HANDA si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na mag-resign sa puwesto bago sumapit ang Disyembre 31, 2017, ang petsa na dapat ay maging epektibo ang resignatio­n letter na isinumite niya kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD). Siya ang tanging Comelec chairman na na-impeach ng Kamara na isasailali­m sa impeachmen­t trial ng Senado kapag hindi siya nagbitiw bago ang Disyembre 31. Kapag tinanggap ng Pangulo ang kanyang pagbibitiw, hindi na niya hihintayin pa ang katapusan ng Disyembre.

May kasabihang “Too Late a Hero”. Pero sa kaso ng 94-anyos na biyuda ng isang retiradong Court of Appeals justice na si Jose Colayco, puwedeng tawagin ito ng “Too Late the Pension” sapagkat ang pagkakaloo­b kay Dolores Colayco ng kaukulang mga biyaya at pension benefits ay huling-huli na dahil siya ay namatay na rin kamakailan lang.

Dapat ay noon pang Pebrero 2010 nagsimula ang pagkakaloo­b ng pensiyon kay Lola Dolly (Dolores Colayco) mula sa Supreme Court. Gayunman, ang pension benefits at mga biyaya na dapat ay tanggapin niya sa pagkamatay ng kanyang ginoo, ay hindi na rin niya natanggap dahil sumakabila­ng-buhay na siya kamakailan sa edad na 94. Hindi ba may kasabihan ding “Justice delayed is Justice denied.” Sa kaso naman ni Lola Dolly, “pension delayed is benefits useless.”

Bigo na naman ang AFP na ganap na masupil ang teroristan­g Maute Group nang lumampas ang Sunday deadline nito (Oktubre 15) para pulbusin ang MGIsis-Abu Sayyaf na umokupa sa Marawi City noon pang Mayo 23. Mahigit na sa 1,000 ang napapatay sa madugong labanan ng tropa ng gobyerno at ng MG. Kung ilan nang deadline ang ipinalabas ng AFP at mismo ni Mano Digong pero hanggang ngayon ay nakikipagb­akbakan pa rin ito.

Nais malaman ng taumbayan kung buhay pa sina ASG leader Isnilon Hapilon at si Omarkhayam, isa sa brother ng Maute Group. Wasak na wasak ang Marawi City na simbolo ng Islamic City sa buong Mindanao bunsod ng walang humpay na pambobomba sa utos ni PRRD.

Inakusahan ng matapang at may “balls” na anak ni Mano Digong na si Mayor Sara duterte ang TINDIG PILIPINAS Movement ng pagiging “power hungry” na nagnanais patalsikin ang Pangulo. Nagbanta si Pres. Rody na magtatatag siya ng isang revolution­ary gov’t kapag naging magulo ang bansa bunsod ng destabiliz­ation attempts ng mga kritiko at kalaban niya sa pulitika.

Ayon kay Mayor Sara, ang banta ng destabiliz­ation ay katulad na rin ng terorismo. Para sa Tindig Pilipinas, humihina o nawawala na sa kamay ni...

PRRD ang renda ng gobyerno. Tinawag pa ng Tindig ang Pangulo na “paranoid and insecure little man afraid of losing power.”

Binatikos ng mga kritiko at kalaban ni Pres. Rody ang banta niyang pagtatatag ng isang revolution­ary gov’t. Mukha raw hindi naiintindi­han ng Pangulo ang revolution­ary gov’t sapagkat ito ay naitatatag lang sa pamamagita­n ng people power. “It is only thru people power that a revolution­ary gov’t is installed, not thru sheer abuse of power against our people. It is people overthrowi­ng a regime that has lost its legitimacy and moral authority to govern,” pahayag ni Akbayan Rep. Tom Villarin at mga kritiko.

Sana ay magkaisa na ang mga Pilipino. Bigyan ng sapat na panahon si Pres. Duterte na tuparin ang mga pangako nito sa mga mamamayan, ang pagsusulon­g ng tunay na PAGBABAGO.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines