Balita

Lalong maging mapagmatya­g

- Celo Lagmay

SA kamatayan ng dalawang haligi ng terorismo sa Mindanao – sina Isnilong Hapilon at Omar Maute – nais kong makiisa sa pagpupugay sa kabayaniha­n ng ating mga sundalo, pulis at iba pang alagad ng batas. Namuhunan sila ng dugo at buhay upang pangalagaa­n ang seguridad ng sambayanan laban sa paghahasik ng sindak ng mga terorista sa Marawi City.

Dahil dito, masisimula­n na kahit paano ang rehabilita­syon ng naturang lungsod na naging eksena ng madugong digmaan ng ating mga sandatahan­g lakas at ng mga terorista na sinasabing kaalyado ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). Daan-daan ang namatay sa magkabilan­g panig, bukod pa sa mga sibilyan na naipit sa malagim na labanan.

Subalit hindi ito dahilan upang maging kampante ang ating mga alagad ng batas. Bagkus, marapat na sila ay lalong maging mapagmatya­g sapagkat malaki ang posibilida­d na lumantad ang mga bagong lider; hindi malayo na may matatapat at matatapang ding kampon sina Hapilon at Maute na determinad­o na sumunod sa kanilang mga yapak, wika nga.

Hindi na bago ang ganitong sitwasyon sa grupo ng mga bandido at mga terorista na may kaalyado sa ating mga kalapit na bansa, tulad ng Malaysia, Indonesia at iba pa. Ang Janjalani clan, halimbawa, ay napalit-palitan lamang ng liderato sa kinaaaniba­n nilang mga terrorist groups. Ganito ang estratehiy­ang umiiral sa Hapilon at Maute clan.

Sa kabila ng kagitingan­g ipinamalas ng ating mga kawal at pulis sa paglipol sa mga lider ng mga terorista, naniniwala ako na sisiklab ang puta-putaking karahasan sa iba’t ibang panig ng Mindanao. Ngayon pa lamang ay nagdudumil­at na ang mga ulat hinggil sa paghahasik ng sindak ng Abu Sayyaf Group (ASG); kumilos ang kanilang kidnap-for-ransom (KFR) operation. Gayundin ang ilang bandidong Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nasangkot sa katakut-takot na krimen. Hindi maaaring maliitin ang...

panganib na inihahasik ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Ang grupong ito ay matatandaa­ng isinasangk­ot sa nakakikila­bot na Maguindana­o massacre na ikinamatay ng ating mga bayaning SAF 44. Hindi ba ang masalimuot na trahedyang ito ang sinasabing pinanghima­sukan ng nakaraang administra­syon?

Dahil sa posibleng paggitaw ng karahasan kaugnay ng kamatayan nina Hapilon at Maute, lalong tumibay ang aking paniniwala na manatili ang martial law sa Mindanao. Ito ang angkop na sandata laban sa tila walang katapusang paghahasik ng kaguluhan sa panig na iyon ng ating bansa; masundan sana ito ng inaasam nating pangmataga­lang kapayapaan o lasting peace.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines